Inihayag na ni Philippine national men’s basketball team coach Chot Reyes ang line-up na kanilang isasabak sa darating na 2014 Asian Games na gaganapin sa Incheon, Korea.

Pangungunahan ang 12-man line-up na inihayag ni Reyes sa kanyang Twitter account si naturalized NBA player Andray Blatche.

Kabilang din sa koponan sina  FIBA Asia Championship All-Star Five member Jayson Castro, FIBA Asia veterans LA Tenorio, Gary David, Jeff Chan, Gabe Norwood, Ranidel De Ocampo, Marc Pingris, Japeth Aguilar at June Mar Fajardo, gayundin sina FIBA Asia Cup hero Paul Lee at Jared Dillinger.

Nakatakdang ganapin ang Asian Games sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 matapos ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup na gaganapin sa Spain sa Agosto 30. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Tatangkain ng Gilas squad na maiuwi sa bansa ang inaasam na unang gold medal sa men’s basketball sa Asian Games sa nakalipas na mahigit 50 taon.

Kasalukuyan ngayong nagsasanay ang Gilas sa Spain bilang paghahanda sa kanilang pagsabak sa FIBA World Cup.