DUBAI- Dumaan muna sa matinding pagsubok ang Argentina bago nakalusot mula sa 84-71 panalo kontra sa Batang Gilas sa classification round ng Fiba U17 World Championship noong Huwebes ng gabi sa Al Shabab Arena dito.

Kahit wala sa kanilang hanay ang reliable scorer, ipinako ng Batang Gilas ang 10 three-pointers sa second half, kasama na ang pitong sunod sa napakahigpit na paghahabol na nagbigay sa Argentinians upang makipagsabayan na.

Tinipa ni Jollo Go ang 6 sa 13 tres ng Filipinos at tumapos na may 27 puntos habang nagsalansan sina Mike dela Cruz at Paul Desiderio mula sa arc kung naitala ng Batang Gilas ang kanilang pinakamagandang performance sa kasalukuyan sa world stage.

"You can see the fighting heart of these boys and you can never question that,'' saad ni Batang Gilas coach Jamike Jarin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Natamo ni Jolo Mendoza, may averaged 15.8 points matapos ang apat na mga laro, ang kanyang right hamstring sa Round-of-16 kontra sa France, pumuwersa kay Jarin na papagpahingahin ang kanyang pangunahing offensive weapon sa torneo.

Umabante ang Argentinians sa labanan para sa ikasiyam hanggang ika12 puwesto kontra sa Greece habang makakaharap ng Filipinos ang Egyptians na ang layunin ay mapasakamay ang ika-13 puwesto sa classification ranking.

"Argentina, they're scared the entire game. We got Egypt tomorrow and we will just keep on fighting,'' giit ni Jarin.

"Argentina was unfortunate not to make it in the Round-of-eight (quarterfinals) but that's a podium team. They can win a medal here in the world championship,'' dagdag ni Jarin.

Ang panalo sa Egyptians ang magtatakda sa Batang Gilas sa matchup sa magwawagi sa pagitan ng Japan-United Arab Emirates.

Napag-iwanan sa 18 puntos, ang trio nina Go, Dela Cruz at Desiderio ang nagpasiklab sat res bago ang isa pa ni Mike Nieto na nagpalapit sa 71-78 iskor, may ilang minute na lamang ang nalalabi.

Isinalansan ni power forward Jeffrey Merchant ang kanyang free throws habang isinelyo ni Agustin Delfino ang layup mula sa isang fastbreak.

"I was in tears after the game on seeing them play like that. As their father figure, you can't ask for anything else,'' sinabi pa ni Jarin. "It was a joy seeing them fight.''

Ang iskor:

ARGENTINA 84 -- Mas Delfino 20, Carvalho 16, Merchant 14, Delfino 10, Zurbriggen 7, Fernandez 6, Aliende 3, Riego 2, Fjellerup 2, Gallardo 2, Borsatti 2, Onetto 0.

PHILIPPINES 71 -- Go 27, Dela Cruz 14, Mi. Nieto 11, Desiderio 10, Ma. Nieto 7, Navarro 2, Dario 0, Padilla 0, Abadeza 0, Escoto 0.