Agosto 15, 2007, isang 8.0-magnitude na lindol ang tumama sa Peru. Ang sentro nito ay nasa hangganan sa gitna ng Nazca at South American tectonic plates may 145 km sa kabisera ng bansa, ang Lima, at naapektuhan ang mga lalawigan sa central Peru.
Ang mga pigura ng kalamidad ay kinabilangan ng 514 na nasawi, at 1,090 nasugatan. Malawak din ang mga sinira nitong imprastraktura, na mayroong mahigit 35,500 nawasak na gusali, at 4,200 ang nasira. Ang sikat na Pan-American Highway ay nagkaroon din ng structural damages dahil sa mga pagguho ng lupa. Naantala ang logistics networks, dahil sa malawakang pinsala sa mga linya ng komunikasyon at mga pangunahing daan.