Gaganapin sa unang pagkakataon sa Pilipinas ang prestihiyosong kompetisyon sa poker sa pakikipagtambalan ng World Poker Tour (WPT) sa Solaire, ang pangunahing lugar sa gaming sa darating na Oktubre 16 hanggang 28.

Darating sa bansa ang opisyales ng WPT na magmumula pa sa Estados Unidos sa pangunguna ni WPT President Adam Pliska upang makaharap ang mga opisyal naman ng Solaire sa pangunguna ni CEO Tom Arasi at event promoter na si Mike Kim na kinikilalang “poker visionary” na siyang nagpasimula sa pag-organisa ng torneo.

Itinakda ang isang press conference upang ipaliwanag ang torneo na inaasahang magpapasimula sa mahabang tambalan sa pagitan ng Pilipinas at WPT.

Ang “Poker Festival” sa Oktubre ay nagkumpirma sa estado ng Pilipinas bilang isa sa hotbeds ng sports sa Asia kung saan ay magkakaroon ng iba’t ibang event sa Main Event at maging sa itinakdang meet-and-greet sa mga elite player sa laro.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inimbitahan din ang mga kilalang personahe sa poker, sa pamumuno ng kinikilalang Rivera brothers, na siyang domodomina sa mga torneo sa nakalipas na taon.

Makakasama nito ang mga babaeng kampeon na sina Badette Lina at Ferlyn Edoc at maging ang iba pang umangat sa sports na tulad nina magician/entertainer Erik Mana, Brisom frontman Brian Sombero at singer/songwriter Lee Grane.

Inaasahang ikukuwento ng mga personahe kung paano lumaki ang sports na poker sa bansa at kung paano unti-unting nahihilig ang mga Pilipino.

Magkakaroon din ng espesyal na aktibidad para sa unang 34 na sasali para sa WPT Media Freeroll kung saan nakataya ang isang silya sa Main Event.