Montreal (AFP)– Nag-rally ang Polish third seed na si Agnieszka Radwanska upang talunin si Barbora Zahlavova Strycova, 6-4, 6-4, at maging unang manlalaro na umabot sa third round ng WTA Montreal hardcourt tournament kahapon.

Si Radwanska, natalo sa kanyang opener sa Stanford noong nakaraang linggo, ay nagtungo sa $2.4-milyong event sa Uniprix Stadium na hindi pa natatalo sa kanyang opening match sa limang appearances sa event.

Nakuha niya ang apat na sunod na games upang angkinin ang unang set kahapon matapos malaglag sa 4-2 sa pag-uumpisa ng kanyang second round match.

Napag-iwanan din si Radwanska sa isang early break sa second set ngunit nakabalik upang ma-break ang Czech na si Zahlavova Strycova ng apat na beses patungo sa panalo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Si Radwanska ay mayroon nang 4-0 rekord kontra kay Zahlavova Strycova at hindi pa natatalo ng mahigit sa apat na game sa kanilang walong beses na paghaharap.

Umabante rin si Venus Williams sa susunod na round ngunit kinailangan ng world number 26 ng tatlong sets upang talunin ang Russian na si Anastasia Pavlyuchenkova, 6-1, 3-6, 6-2.

Ang unseeded na si Williams ay apat na beses nang naglaro sa Canada at natalo sa lahat ng laban.

Ngunit laban sa 22-anyos na si Pavlyuchenkova, nagawa niyang makabangon sa pagkakadapa sa ikalawang set at umusad sa ikalawang round kung saan makakaharap niya ang qualifier na si Yulia Putintseva.

“She’s a dangerous player for the top players because she just can do everything well,” sinabi ni Williams tungkol kay Pavlyuchenkova. “It felt good to get through this match and kind of hopefully gain that momentum for the rest of the week.”

Uumpisahan naman ng nanalo sa Stanford noong nakaraang linggo na si Serena Williams ang kanyang kampanya sa Montreal laban kay Sam Stosur, tumalo sa American noong 2011 US Open final.