Ni LIEZLE BASA INIGO

ALICIA, Isabela - Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang isang 31-anyos na ginang matapos niyang mapatay ang limang taong gulang na anak na pinagpapalo niya ng stick sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang magsuka ng dugo ang paslit sa Purok Pag-asa sa Barangay Linglingay, Alicia, Isabela.

Sa panayam kahapon kay Chief Insp. Maryjane Dalumay, hepe ng Women’s and Children’s Desk ng Alicia Police, kinilala ang suspek na si Margie Layugan, ng nabanggit na lugar.

Nabatid na maging ang bise alkalde rito na si Atty. Joel Alejandro ay nakikipagtulungan sa paglutas sa kaso makaraang tumanggi ang ospital na pinagdalhan kay Julio Gapuz Layugan na magbigay ng kinakailangang medico legal bago binawian ng buhay ang huli.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Nabatid kay Dalumay na hindi kaagad nakasuhan ang ina ng bata makaraang tumangging makipag-ugnayan sa pulisya ang Manango Hospital na nasa Barangay San Antonio sa Alicia, Isabela.

Mismong ang tiyuhin ng bata at kapatid ng suspek na si Robert Gapuz ang tumestigo sa matagal na umanong pananakit ng suspek sa bata, na bunso nitong anak.

Nabatid na ang pamamalo ng stick noong Hulyo 30 ang huling pananakit ng suspek sa anak, na isinugod sa ospital kinabukasan dahil sa hindi maipaliwanag na panghihina.