Hindi pa makabibiyaheng muli ang mga bus ng Don Mariano Transit Corporation (DMTC) matapos ibasura ng Court of Appeals (CA) ang petition for certiorari ng kumpanya kaugnay ng pagkansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa prangkisa nito kasunod ng serye ng mga aksidente noong Enero.
Sa resolusyon ng CA, premature ang apela ng Don Mariano dahil may apela pa ito sa tanggapan ng kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).
Kinansela ng LTFRB ang buong fleet o 78 bus units ng DMTC sa kabiguan nitong masapul ang terms and condition ng permit nito at matiyak ang kaligtasan ng kanyang mga pasahero.