Hinagupit ng Davao City National High School (DCNHS) ang Tagum City Barangay Visayan Village (Tagum) para sunggaban ang kampeonato ng katatapos na PSC Pinay National Volleyball League Davao City Leg na ginanap sa Almendras Gym.

Ang ligang pangkababaihan para sa mga may edad 17 pababa ay sinabakan ng Assumption College of Davao (3rd place), Holy Cross College of Sasa, University of Immaculate Conception–A, Pablo Lorenzo National High School, Sta. Ana National High School, MAA National High School, Don Ramon Aguinaldo National High School, University of Immaculate Conception–B at St. Peter’s College of Toril.

Si Lycha Ebon ng DCNHS ang tinanghal na Most Valuable Player, habang si Chrizzele Anne Caasi ng Tagum ang Best Scorer.

Kasalukuyan nang inihahanda ang susunod na leg sa General Santos City na inoorganisa ni Gender and Development Sports Commissioner Akiko Thomson-Guevara sa pamamahala ng Philippine Volleyball Federation.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente