GAZA CITY, Gaza Strip (AP) — Iniurong ng Israel ang kanyang ground troops mula sa Gaza Strip noong Linggo matapos ang isang buwang operasyon laban sa Hamas na ikinamatay ng mahigit 1,800 Palestinian at mahigit 60 Israeli.

Kahit na sinabi ng Israel na malapit na nitong makumpleto ang kanyang misyon, matindi pa rin ang bakbakan sa ilang bahagi ng Gaza, sa 10 kataong nasawi sa Israeli airstrike malapit sa isang U.N. shelter. Binatikos ng United States ang Israel, sinabing ito ay “appalled” sa “disgraceful” attack.

At sa pagsumpa ng mga opisyal ng Hamas na ipagpapatuloy ang kanilang laban, nananatiling malabo kung kayang wakasan ng Israel nang mag-isa ang giyera.

Kinumpirma ni Lt. Col. Peter Lerner, tagapagsalita ng Israeli military, na umurong na ang bulto ng ground troops sa Gaza matapos mawasak ng militar ang karamihan ng tunnel network.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'