Kasado na umano ang “well-funded speaking tour” na magsisimula sa Visayas na isasagawa ng mga nasa likod din ng plunder case laban kina Vice President Jejomar Binay, Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay at iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ng Makati sa susunod na mga araw.

“Hindi lang sa Makati sila magkakalat ng kasinungalingan at paninira. Ngayon, gagawin na nila ito sa buong bansa. Lume-level up, in short,” sabi ng tagapagsalita ni VP Binay na si Joey Salgado.

Ibinunyag ng Office of the Vice President (OVP) na si Renato Bondal, isa sa mga complainant sa plunder case, ay maglalakbay sa iba’t ibang panig ng bansa para sa ikinasang speaking tour na sisimulan sa Visayas region sa mga susunod na araw.

Ayon pa kay Salagado, bibisitahin ni Bondal ang mga siyudad sa Regions 6, 7 at 8 na nagpapakitang labis na pinondohan ng mga nagrereklamo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inilarawan pa ng tagapagsalita ng VP na isang “circus of lies” o punumpuno ng kasinungalingan ang speaking tour ni Bondal para ulit-ulitin ang walang basehang pag-atake sa Bise Presidente na nangungunang pambato sa 2016 presidential election.

“The Bondal roadshow is nothing more than a circus of lies. That he will be visiting the Visayas region, the first of several stops in a planned national tour, also shows that his group has graduated from local opponents to a well-funded demolition crew,” ani Salgado.

Aniya, sinagot na ng Vice President at ni Mayor Binay ang reklamong plunder na isinampa ni Bondal kaugnay ng umano’y overpriced na pagpapagawa sa Building 2 ng Makati City Hall.

Ang nasabing 12-storey building ay gusaling tanggapan na may parking floors at hindi tanging parking building/facility na iginigiit ng complainants.