Hangad ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia na magkaroon ng isang exclusive training center ang lahat ng mga pambansang atleta sa naisin nitong manatiling nasa pinakamataas na kondisyon at laging preparado anumang oras isali sa lahat ng lokal at internasyonal na torneo.

Isa ito sa matinding hangarin ni Garcia kung kaya ninanais nitong makumbinsi ang Kongreso na magpasa ng isang batas na mag-aatas sa ahenisya upang makapagpatayo ng isang moderno, state-of-the-art at world class na pasilidad na tanging pag-aaralan at pagtutuunan ng kontsentrasyon ang pagpapalakas sa mga pambansang atleta.

“We are really far behind whether be it in training, facilities, technology, in sports science and most importantly in our talent identification,” sabi ni Garcia, na umaasa na maisasabatas ang isang panukala na pagtatayo ng bilyong halaga na sports training center bago matapos ang kanyang termino.

“Hindi na lamang physical training ang isinasagawa ngayon, pati iyong sukat ng katawan, laki o haba ng hita at body weight ay kasama nang pinag-aaralan sa sports. Kaya kung gusto natin na umangat talaga tayo, kailangan natin na pagsama-samahin ang lahat ng teknolohiya,” sabi ni Garcia.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inihayag ni Garcia na nakasuong sa ngayon ang isang batas sa Mababang Kapulungan ukol sa pagtatayo ng isang national training center subalit hindi nito alam kung kailan makakapasa at kailan din maisasaibatas.

“Nasa plano doon ang pagkakaroon ng isang sports science center, sports medicine, rehabilitation at study center, weights and physical building, sports psychology at iyung iba pang aspeto na makakatulong hindi lamang sa atleta kundi pati sa development ng ating mga coaches at trainors,” sabi ni Garcia.

Ipinaliwanag ni Garcia na sa kasalukuyan ay unti-unti nang naisasaayos ang mga pasilidad ng PhilSports Arena na siyang magiging tahanan ng halos lahat ng atleta matapos itong maipagawa at ayusin na tila katulad sa isang hotel.

“Hopefully, mapaganda natin ang living condition ng mga atleta muna and then paunti-unti na natin palakasin ang ating training at magkaroon ng modernong pasilidad para maayos silang makapagsanay,” sabi ni Garcia.