Piolo Pascual

NGAYON pa lang ay natitiyak na namin na aabangan ng marami ang no-holds-barred interview ng E! News Asia Special kay Piolo Pascual na ipapalabas umpisa sa September 28 sa E!. 

Hanggang ngayon ay si Piolo pa rin ang number one, ang itinuturing na pinakamatagumpay at pinakasikat na aktor sa kanyang henerasyon. Sa edad niya, 37 years old, nakagawa na si Papa P ng mahigit 20 pelikula, 10 solo albums  at hindi na mabilang na TV shows.

Ang tatlumpong minutong interbyu ng E! News Asia Special kay Piolo ay siguradong pag-uusapan ng lahat ng mga nagmamahal sa aktor at maging ng kanyang iilan lang namang detractors, huh!

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasama rin sa naturang interview ang mga mahal sa buhay ni Piolo lalo na ang 17 year-old na anak niyang si Iñigo. May special participation din naman ang leading ladies niyang sina Toni Gonzaga at Iza Calzado. 

Pag-uusapan din sa programa ang mga naging ka-loveteam ni Papa P sa pelikula at sa telebisyon, at siyempre pa ang naging karelasyon niya sa loob ng dalawang taon na si KC Concepcion. 

Sabi ni Ms. Christine Felowees, ang isa sa mga bossing ng E!, perfect si Piolo para sa E! dahil sa kanyang personality at pati na rin sa napakakontrobersiyal na buhay ng aktor.

“The Filipino appetite for local celebrity stories such as E! News Asia Special: Anne Curtis,  and the record breaking reality stories It Takes Gutz to be A Guttierez had proven popular with our viewers and will continue to be a popular for NBC Universal in this region,” banggit pa niya. 

‘Di ba, Madam Thess Gubi?