BALITA
NAWAWALA
Hinihingi ang tulong ng sinumang nakaaalam ng kinaroroonan ni Don Bernardino Santillan III, 19-anyos na estudyante, at nakatira sa 1032 Ibarra Street, Sampaloc, Maynila. Pasado 10:00 ng gabi noong Pebrero 20, 2017 nang magpaalam siyang lalabas ng bahay ngunit hindi na...
20 pamilya nasunugan, bombero sugatan
Isang fire volunteer ang nasugatan sa sunog na tumupok sa may 10 bahay sa Paco, Maynila nitong Biyernes, na sinasabing nag-ugat sa isang napabayaang kandila. Bahagya umanong nasugatan sa sunog ang fire volunteer na si Roberto Socorro matapos na matalsikan ng nabasag na baso...
Lady cop na bumaril sa mister ng ex, sinibak
Dinisarmahan at sinibak sa puwesto ng Quezon City Police District (QCPD) ang babaeng pulis na umano’y bumaril sa asawa ng dati niyang nobya noong nakaraang linggo. Kinumpirma kahapon ni QCPD director Chief Supt. Guillermo Eleazar na na-relieve na si PO1 Wealyn Malaya...
Inumbag ng 3 naospital
MAYANTOC, Tarlac – Inoobserbahan ngayon sa Gilberto Teodoro Hospital ang isang karpintero na pinagtulungang gulpihin ng tatlong katao sa parke ng Barangay Poblacion Sur, Mayantoc, Tarlac, nitong Biyernes ng gabi. Sa report ni PO3 Zaldy Martinez Millagracia, naaresto sina...
P1.5-M shabu, mga baril nasabat sa raid
ISULAN, Sultan Kudarat – Sa muling pagsasanib-puwersa ng militar, pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM), sinalakay ang bahay ng isang high value target sa Talitay, Maguindanao at aabot sa P1.5 milyon halaga ng...
'Nagparetokeng drug lord', susuko na
Nagpadala ng surrender feelers sa Police Regional Office (PRO)-6 si Richard Prevendido, ang itinuturing na number one drug lord sa Western Visayas. Batay sa ulat sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ni PRO-6 Director Supt. Gilbert Gorero, nagpaabot ng impormasyon ang...
Bulusan nagbuga ng abo
Nagbuga ng makapal na abo ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon, isa sa anim na pinaka-aktibong bulkan sa bansa. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang weak emission na aabot sa 100 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan, bukod pa...
Presyo ng bigas 'di tataas — NFA
CABANATUAN CITY - Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na walang magiging pagsirit ng presyo ng bigas sa bansa sa mga susunod na buwan. Ito ay kahit sumipa sa P1.00 kada kilo ang presyo ng premium rice sa mga pamilihan bunsod ng dagdag gastos ng mga rice importer. Ayon...
Pangasinan ex-vice mayor, natagpuang patay
CALASIAO, Pangasinan – Natagpuang patay sa kanyang silid ang dating alkalde ng bayan ng Calasiao na si Ferdinand “Nanding” Galang sa Barangay Mancup. Ayon kay Supt. Charles Umayam, hepe ng Calasiao Police, bandang 7:00 ng umaga kahapon nang natagpuang walang buhay ni...
4 na sibilyan patay, 9 sundalo sugatan sa NPA
Apat na sibilyan, kabilang ang tatlong bata, ang nasawi habang siyam na sundalo naman ang nasugatan sa magkakahiwalay na pag-atake ng New People’s Army (NPA) at engkuwentro nito sa militar sa Northern Samar, Davao Oriental at Bukidnon sa nakalipas na mga araw. Nasawi rin...