Hinihingi ang tulong ng sinumang nakaaalam ng kinaroroonan ni Don Bernardino Santillan III, 19-anyos na estudyante, at nakatira sa 1032 Ibarra Street, Sampaloc, Maynila.
Pasado 10:00 ng gabi noong Pebrero 20, 2017 nang magpaalam siyang lalabas ng bahay ngunit hindi na nakabalik.
Nakasuot siya ng pulang T-shirt at itim na shorts.
Para sa sinumang nakaaalam sa kanyang kinaroroonan, padalhan ng private message sa Facebook si Vernadette June Caga, tumawag sa kanyang ama na si Bernardino Santillan II sa 0942-0441088, o makipag-ugnayan sa Manila Police District sa 524-6906.