MAYANTOC, Tarlac – Inoobserbahan ngayon sa Gilberto Teodoro Hospital ang isang karpintero na pinagtulungang gulpihin ng tatlong katao sa parke ng Barangay Poblacion Sur, Mayantoc, Tarlac, nitong Biyernes ng gabi.
Sa report ni PO3 Zaldy Martinez Millagracia, naaresto sina Jaymark Bautista, Niño Pacleb, at Jonnel Flores, pawang taga-Bgy. Poblacion Sur, sa pambubugbog umano kay Kenneth Yadao, 22, binata, ng Bgy. Nambalan, Mayantoc.
Ayon kay PO3 Millagracia, nasa Mayantoc Park ang biktima nang biglang dumating ang mga suspek, kinumpronta ito, at kalaunan ay pinagtulungang bugbugin. (Leandro Alborote)