Nagpadala ng surrender feelers sa Police Regional Office (PRO)-6 si Richard Prevendido, ang itinuturing na number one drug lord sa Western Visayas.

Batay sa ulat sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ni PRO-6 Director Supt. Gilbert Gorero, nagpaabot ng impormasyon ang ilang kaibigan tungkol sa pagnanais ni Prevendido na sumuko na.

Gayunman, nangangamba ang suspek sa kaligtasan nito, kaya tiniyak ng pulisya na ligtas na aarestuhin si Prevendido, na ilang buwan nang tinutugis ng awtoridad.

Nabatid na si Prevendido ay may P1 milyon na patong sa ulo, na una nang napaulat na sumailalim sa plastic surgery at iginaya umano ang mukha sa rebolusyonaryong Cuban na si Fidel Castro para makaiwas sa pagdakip. (Jun Fabon)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental