BALITA
₱6,500 fuel subsidy, matatanggap ng mga driver, operator ng PUVs -- LTFRB
Inaasahang makatatanggapng₱6,500ang bawat driver at operator ng mga public utilityvehicleskapag inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang fuel subsidy.Ito ang pahayag ngLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Huwebes...
Ex-con, binaril sa harap ng asawa sa Negros, patay
Patay ang isang umano'y dating nahatulan sa kasong illegal drugs matapos barilin ng apat na lalaki sa harap ng asawa nito sa Barangay Minuyan, Murcia, Negros Occidental nitong Miyerkules.Dead on the spot ang biktima na si Arnold Saldo, 46, taga-Brgy. Minuyan, dahil sa mga...
PCSO sa 3 nanalo sa lotto: 'Kabuuang ₱98M premyo, kunin n'yo na!'
Nanawagan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa tatlong nanalo ng kabuuang ₱98 milyon sa magkakahiwalay na lotto draw na kunin na nila ang premyo.Sa pahayag ng PCSO, dalawa ang nanalo sa isinagawang 6/45 lotto draw noong Hulyo 26, 2021 kung saan may...
Mahigit 1K na PDL sa Bulacan Provincial Jail, naturukan na ng Covid booster shots
Nakatanggap na ng Covid-19 booster shots ang 1,180 na persons deprived of liberty (PDLs) sa Bulacan Provincial Jail (BPJ) sa lungsod ng Malolos, ayon sa Provincial Health Office (PHO).Ayon sa PHO, Pfizer at AstraZeneca vaccines ang ginamit sa booster roll out noong Pebrero...
VM Honey Lacuna, nanguna sa election survey sa mayoralty bets sa Maynila
Lumabas na ang resulta ng election survey na isinagawa ng kumpanyang Publicus Asia noong Pebrero para sa mga kandidato sa pagka-alkalde at pagka-bise alkalde sa may 17 local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR).Sa nasabing resulta, nanguna ng milya-milya...
Karen Davila sa mga 'trolls': 'Minsan, kailangan talagang pumatol at sagutin'
Nagpahayag ang batikang mamamahayag na si Karen Davila tungkol sa pangangailangang pumatol at sumagot sa mga "trolls" online.Sa kanyang Twitter post nitong Huwebes, Marso 3, sinabi niyang minsan ay kailangan talagang pumatol at sumagot sa mga umano'y trolls."Minsan,...
Ukraine, magbibigay ng free visa sa mga handang lumaban sa Russia
Pansamantalang inalis ng bansang Ukraine noong Martes ang visa requirements sa mga dayuhang nais pumasok sa bansa at lumaban sa mga puwersa ng Russia. AFP/ MANILA BULLETINAyon sa isang artikulo ng The Washington Post, naganap ang hakbang na ito matapos lumikha ng...
Sen. aspirant Atty. Luke Espiritu: 'Linta, parasite, at walang silbi ang mga manpower agencies'
Pangunahing layunin umano ni senatorial aspirant at Atty. Luke Espiritu na kalusin ang mga manpower agencies kung sakaling palarin na mahalal siya bilang senador sa darating na halalan 2022."Ang priority legislation ko ay buwagin ang lahat ng mga manpower agencies… dahil...
DOH: 989 pa, naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
Umaabot na lamang sa 989 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa nitong Huwebes, Marso 3.Sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 3,664,905 ang kabuuang bilang ng kaso ng sakit sa bansa.Nilinaw ng DOH na sa naturang bilang, 1.4% na lamang o 50,458 ang...
Senatorial candidate Neri Colmenares, hindi raw inimbitahan sa SMNI Senatorial Debate
Ibinuking ni senatorial candidate Neri Colmenares na hindi umano siya inimbitahan sa naganap na SMNI Senatorial Debate nitong Marso 2, 2022 na ginanap sa Okada Manila, batay sa kaniyang latest tweet.Aniya, may mga naghahanap daw kasi sa kaniya sa naturang debate."Good...