BALITA
Buwelta ng Palasyo kay Harry Roque sa pagkakatiklo kay Zaldy Co: 'Bakit natin paniniwalaan ang isang fake news peddler?'
Pinalagan ng Malacañang ang mga pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque kaugnay sa umano’y pagkakaaresto kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa Czech Republic kamakailan. Ayon kasi kay Roque, hindi raw totoong natiklo si Co sa Czech Republic....
Carlito Galvez, Jr. isiniwalat rason ng pagbibitiw bilang kalihim ng OPAPRU
Kinumpirma na ni Carlito Galvez, Jr. ang pagbibitiw niya bilang kalihim sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU). Matatandaang nauna nang inanunsiyo ni Palace Press Officer at Presidential Communication Office Usec. Claire Castro ang...
DOJ, kumpyansang maibabalik si Zaldy Co sa bansa!
Inilahad sa publiko ni Department of Justice (DOJ) Sec. Fredderick Vida ang dahilan sa tila pagiging kumpyansa niya na maibabalik si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa Pilipinas. Matatandaang muling naglabas ng pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos,...
Final na! Leni Robredo, ‘di tatakbo sa national position sa 2028
Inanunsiyo na ni Naga City Mayor Leni Robredo na wala na siyang balak pang kumandidato anomang posisyong pambansa sa 2028 elections. Sa panayam ng isang radio local station nitong Martes, Abril 21, sinabi ni Robredo na sigurado na raw na siya sa kaniyang dessiyong hindi...
Jerry Gracio, nakaselyo ng $100k na suporta sa kampanya!
Tila magkahalong emosyon ng tuwa at kaba ang naramdaman ng S.E.A Write Awardee at kolumnistang si Jerry Gracio mula sa mensahe sa kaniya ng isang indibidwal na handang magbigay ng halagang $100,000 para sa pagtakbo niyang alkalde sa lungsod ng Valenzuela. Matatandaang...
Pampasaherong bus, nahulog sa bangin; 2 nasawi!
Sumadsad ang pampasaherong bus sa bangin na matatagpuan sa Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon. Ayon sa Pagbilao Municipal Disaster Risk Reduction Management noong Lunes, Abril 20, umabot sa 41 ang pasaherong sugatan samantalang dalawa naman ang nasawi. Rumesponde...
FPRRD malungkot: 'Wala akong ginawang masama'
Ibinahagi sa publiko ng bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte ang tungkol sa latest na naging pag-uusap nila ng kaniyang ama. Ayon sa inilabas na panayam ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate o mas kilala bilang “Alvin &...
Brice Hernandez, pumaldo ng ₱299M; nilagay sa kahon ng toyo, kape, chips, noodles!
Kinanta ng liaison officer ng SYMS Construction at inaanak mismo ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) assistant district engineer Brice Hernandez na nakatanggap umano ang huli ng aabot sa ₱299 milyong inilagay sa kahon ng toyo, chips, kape, at noodles...
DepEd, paiigtingin Special Education Fund
Palalakasin pang lalo ng Department of Education (DepEd) ang Special Education Fund (SEF) para sa mga karagdagang pasilidad at classroom. Ang SEF ay pondong galing sa karagdagang 1% tax sa real property na sinisingal ng mga lokal na pamahalaan. Idinisenyo ito upang magkaroon...
Rep. Diokno suportado Ombudsman sa lifestyle check, pagbusisi sa SALN ng mga kongresista
Naghayag ng suporta si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa Ombudsman para sa pagbulatlat nito ng statements of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga mambabatas at pagsailalim sa lifestyle check ng 26 niyang kabaro na sangkot sa maanomalyang flood control...