BALITA
Nambugbog, nanaksak ng GRO ibinulagta
Dead on the spot ang isang lalaki na sinasabing nanakit at sumaksak guest relation officer (GRO) matapos barilin ng rumespondeng pulis sa isang hotel sa Pasay City, nitong Huwebes ng hapon. Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang napatay na suspek na kinilala sa alyas na...
3 sugatan sa sunog sa Makati
Pitong pamilya ang nawalan ng tirahan habang tatlong katao ang bahagyang nasugatan, kabilang isang bumbero, sa sunog sa isang residential area sa Makati City, bago magtanghali kahapon. Agad nilapatan ng lunas sina Raymond Tan at Allen Capria, kapwa residente sa nasabing...
Mag-utol timbog sa granada, shabu
Kalaboso ang isang magkapatid nang makuhanan ng granada, shabu at mga drug paraphernalia sa One Time, Big Time operation sa Barangay San Miguel, sa Pasig City kamakalawa. Sasampahan ng mga kasong illegal possession of explosives at illegal drugs ang mga suspek na sina Manuel...
3 magkakamag-anak minasaker
Minasaker ang tatlong magkakamag-anak sa loob mismo ng kanilang tahanan ng apat na lalaking pawang nakasuot ng bonnet sa Barangay Malamig, Mandaluyong City kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Mandaluyong City Medical Center ang mga biktimang sina Chito Jomaquio, 45;...
MPD station commander at 12 pa sinibak
Pansamantalang sinibak sa puwesto ang station commander ng Manila Police District (MPD) Station 1, gayundin ang 12 iba pa, makaraang madiskubre ang umano’y secret lock-up cell sa loob ng kanilang presinto sa Raxabago Street, Tondo, kamakalawa ng gabi. Ayon kay MPD...
Death threats kay Atong Ang, itinanggi ni Aguirre
Itinanggi kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na sangkot siya sa umano’y planong pagpatay sa gambling operator na si Charlie “Atong” Ang. “I categorically deny all the accusations of Atong Ang for being complete fabrications,” saad sa pahayag ni...
Benham Rise gagalugarin ng DA officials
Maglalayag ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) patungo sa Benham Rise sa Mayo 5-7 upang galugarin ang 13-milyong ektaryang continental shelf para tukuyin kung paanong mapoprotektahan ito, sinabi kahapon ni DA Secretary Emmanuel Piñol. Ayon kay Piñol, binigyan...
'Multinational task force' vs sea piracy, giit ni Duterte
Kinakailangang bumuo ng “multinational task force” na magsasagawa ng naval patrols at tutulong na labanan ang cross-border terrorism at sea piracy sa rehiyon, iminungkahi kahapon ni Pangulong Duterte. Hinimok ng Pangulo ang mga kapwa niya Southeast Asian leader na...
ASEAN kabado sa NoKor
Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa lumulubhang tensiyon sa Korean Peninsula, kasunod ng dalawang nuclear test ng North Korea noong 2016 at ng pagpapakawala ng ballistic missiles. “ASEAN is mindful that instability in...
Pinoy na aminadong mahirap, dumami — SWS
Lima sa sampung Pilipino ang aminadong mahirap sila batay sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong unang quarter ng 2017 na inilabas kahapon. Isinagawa noong Marso 25-28, natukoy sa survey na 50 porsiyento ng mga Pinoy adult, na kumakatawan sa 11.5 milyong...