July 09, 2026

Home SHOWBIZ

Wally Bayola, sumasailalim sa therapy matapos maaksidente

Wally Bayola, sumasailalim sa therapy matapos maaksidente
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT), Bureau of Fire Protection (BFP) - Lupi Fire Station (FB)

Nagbigay ng update ang komedyante at “Eat Bulaga” host na si Wally Bayola tungkol sa kaniyang kondisyon matapos sumemplang sa motorsiklo noong Marso.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Hulyo 3, tampok ang panayam ni showbiz insider Ogie Diaz kay Wally noong minsang magkita ang dalawa sa isang mall.

“Anong latest from the doctor [tungkol] sa ‘yong kalagayan?” tanong ni Ogie.

Sagot ni Wally, “Pwede na siyang itapak. Tapos nagte-therapy na ako ngayon. Mahirap din ‘yong therapy kasi parang walang crutches na pinapalakad na.”

Inaasahan umanong tatagal nang anim hanggang siyam na buwan ang recovery ni Wally ayon sa kaniyang doktor. 

Tsika at Intriga

Hindi nag-audition? Atasha Muhlach, inintriga sa 'Annie Batungbakal' role

Ngunit nagpapasalamat daw siya dahil batay sa mga X-ray niya ay maganda raw ang development ng kaniyang mga buto.

Kumbaga, nabawasan ng isang buwan. Siguro sabi ni Doc, at least dalawang buwan mabawas, e,” dugtong pa ni Wally.

Kaya naman talagang inaaraw-araw daw niya ang pagte-therapy. 

Matatandaang batay sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Marso 2026, kasama si Wally sa isang grupo ng motorcycle riders nang malubak daw ang sinasakyang motorsiklo sa daang patungo sa Naga City.

Kinumpirma rin ng pamunuan ng Eat Bulaga ang aksidenteng kinasangkutan ng kanilang host. 

Sa kasalukuyan, nami-miss na raw niyang magtrabaho. Gayunman, magandang pagkakataon din daw ito para magpahinga pansamantala.

Maki-Balita: Wally Bayola, sumemplang sa motorsiklo; may kaunting sugat, bukol!