April 14, 2026

Home BALITA National

'God help us!' Sen. Robin, nag-react sa pagtutuloy ng impeachment vs VP Sara

'God help us!' Sen. Robin, nag-react sa pagtutuloy ng impeachment vs VP Sara
Photo courtesy: Senate of the Philippines (FB), MB FILE PHOTO

Ibinahagi sa publiko ni Sen. Robin Padilla ang tila panlulumo niya sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. 

Kaugnay kasi nito, nakatakdang ituloy ng House Committee on Justice ngayong Miyerkules, Marso 25, 2026, ang kanilang pagpupulong para muling umusad ang mga impeachment case laban sa Bise Presidente, na kamakailang inanunsyo nilang may sapat na mga batayan. 

Kaya naman sa naging pahayag ni Padilla sa kaniyang Facebook post nito ring Miyerkules, tila ikinagulat niya ang pagtutuloy ng pagdinig ng nasabing komite sa kabila umano ng mga kasalukuyang pinagdaraanan ng mga Pilipino. 

“May impeachment pa rin pala sa gitna ng kinakaharap ng mga Pilipino,” pagsisimula niya, 

Photo courtesy: Sen. Robin Padilla (FB)

Screenshot mula sa FB post ni Padilla. 

National

False claim? Tanya Gaisano, pumalag sa sinabi ni Ramil Madriaga tungkol sa regalong painting kay VP Sara

“God help us,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang nagawa pang imbitahan at magpadala ng liham ng naturang komite, na pinirmahan ni House Committee on Justice Chairperson Atty. Gerville Luistro kay VP Sara upang hikayatin itong dumalo sa nasabing pagpupulong.

Ngunit inihayag naman sa publiko ng legal team spokesperson ni VP Sara na si Atty. Michael Poa noong Martes, Marso 24, na hindi dadalo ang Bise Presidente sa nasabing pagdinig. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, iniimbitahan ng Kamara na dumalo sa isang meeting sa Marso 25

Samantala, pinananawagan ni Padilla sa publiko na gawing independent country ang Pilipinas sa gitna ng tila lumulubhang oil crisis dulot ng sigalot sa Middle East dahil tila huli na raw kung magtatalo pa ang ilan sa posibleng solusyon na magmumula sa pagsuspendi ng fuel excise tax, value-added tax (VAT), at pagbibigay ng mga ayuda sa mamamayan na uutangin lang din umano ng pamahalaan ang pagkukunang pondo para dito.

Dahil dito, wala na raw ibang solusyon kundi ang magsagawa ng “secession” o gawing “independent country” ang Pilipinas, kagaya raw ng ginawa ng European Union (UE) at United Kingdom (UK) upang masimulang makipag-alyansa sa mga bansang may kakayahan talagang tumulong upang masolusyonan ang oil crisis.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, nanawagan; gawing independent country ang Pinas dahil sa oil crisis!