April 16, 2026

Home FEATURES

Hugis-dikyang liwanag, namataan sa kalangitan

Hugis-dikyang liwanag, namataan sa kalangitan
Photo courtesy" via Philippine Weather System/Pacific Storm Update/FB


Naging usap-usapan kamakailan ang isang viral post na ibinahagi ng Facebook page na Philippine Weather System/Pacific Storm Update, kung saan makikita ang tila isang liwanag na hugis-dikya, na nagpailaw sa kalangitan ng ilang bahagi ng bansa.

Dahil kasi sa nasabing liwanag, na-curious at nakiliti ang isipan ng karamihan hinggil sa nasabing phenomenon, na naging dahilan upang magbahagi ang ilan ng iba’t ibang espekulasyon.

Photo courtesy: via Philippine Weather System/Pacific Storm Update/FB

Samu’t saring komento at reaksiyon ang ibinahagi ng netizens kaugnay sa tila hugis-dikyang liwanag na naispatan sa kalangitan.

“nag checheck na yan sa PH kung pano nila tayo bibirahin or nag titingin yan ng mga bagay bagay”

“Thats Hypersonic like the ones used in tel aviv boom boom by iran ( fatah II or Khorramshahr 4 missile ) although this one is a rocket The Jielong-3, capable of mach 20 speeds.”

“wlang abiso kaya nakakatakot”

“Yan pala yung nawawala kung flashlight”

Lifehacks

ALAMIN: Paglantak ng banana, nagdudulot ng sagad na ligaya!

“Baka kunin na sila ni Lord!? Liwanag galing sa langit”

“Kala ko esperitu na ng namigay ng maleta…”

Dahil dito, umeksena na ang Philippine Space Agency (PHILSA), at ipinaliwanag nila kung ano nga ba ang naturang ilaw na nagpaliwanag sa gabi ng ilang mga lugar sa bansa.

Ayon sa paliwanag ng PHILSA noong Linggo, Abril 12, ang phenomenon na iyon ay tinatawag na “space jellyfish,” na siyang resulta ng pagdaan ng isang rocket na pinalipad ng bansang China mula sa South China Sea.

“The lights sighted over parts of the Philippines on the evening of 11 April 2026, at around 7:40PM PST, are highly likely due to the passage of the Jielong-3 rocket launched by the People's Republic of China from the South China Sea at approximately 7:32 PM PhST,” saad ng PHILSA sa kanilang post noong Linggo, Abril 12.

Anila, “The phenomenon is commonly called a "space jellyfish," which occurs when a rocket's exhaust plume, released at high altitudes, is directly illuminated by sunlight while observers on the ground remain in darkness.”

“The expanding plume fans out in the thin upper atmosphere and scatters sunlight, creating a luminous, jellyfish-like glow visible over wide areas during twilight conditions,” dagdag pa nila.