April 15, 2026

Home BALITA

Presyo ng LPG, aabot ng ₱1,500 sa Abril!

Presyo ng LPG, aabot ng ₱1,500 sa Abril!
Photo Courtesy: via MB

Tinatayang sisipa ang presyo ng liquified petroleum gas (LPG) sa pagpasok ng buwan ng Abril.

Sa panayam ng “Unang Balita” nitong Martes, Marso 31, sinabi ni Arnel Ty, tagapagtatag ng LPG Marketers Association, na dalawang beses umanong magkakaroon ng price adjustment para sa naturang produkto.

Sa kasalukuyan, ₱1,350 hanggang ₱1,400 ang suggested retail price ng LPG. 

Ayon kay Ty, “After the adjustment po namin nitong nakaraang linggo, ito pong darating na April 1, magkakaroon po kami ng price adjustment. Dalawang beses po ito. Pinaghati na lang po namin.”

“Ang natitira pa pong itataas ay sa April is ₱5 per kilo or ₱55 per 11 kilogram. At sa darating pong another week, that will be on April 7, it will be another ₱5 or ₱55 again per 11 kilogram,” dugtong pa niya.

National

'Kaysa tumakbo sa kamay ng batas!' Usec. Castro, dinepensahan si PBBM kay Roque

Samakatuwid, tataas ng ₱110 ang kada isang tangke ng LPG sa loob ng isang linggo, kaya posibleng tumaas sa ₱1,500 ang presyo nito. 

Nakaugat umano ang pagpapataw na ito ng karagdagang presyo sa shipping cost ng produkto at sa international market price.