April 16, 2026

Home BALITA National

DSWD, may paliwanag kung bakit ekis muna sa 'digital ayuda'

DSWD, may paliwanag kung bakit ekis muna sa 'digital ayuda'
Photo courtesy: MB file photo

Ipinaliwanag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian kung bakit nananatili pa ring manual ang paraan ng pamimigay ng ayuda, bagama't kaya umano ng ahensya na i-digitize ito.

"We have to have a form of validation and verification dahil ito ang unang bugso. Kailangan makita namin, una, totoong mga tao ba ito? Pangalawa, itong mga taong ito ba ay totoong mga driver," anang DSWD Secretary sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Marso 30, 2026.

Dagdag pa niya, "Tinatanong kami bakit hindi na lang namin gawing digital? Kaya namin gawing digital ito, napakadali… pero this first step is really meant for validation and verification."

Saad pa niya, sa pamamagitan ng verification process, maiiwasan daw ang pagkadoble sa pamimigay at matukoy ang tunay na estado ng isang benepisyaryo.

"Tinatanong kami bakit hindi na lang namin gawing digital? Kaya namin gawing digital ito, napakadali… pero this first step is really meant for validation and verification," saad niya.

National

Libreng sakay para sa solo parents, aarangkada hanggang Abril 18

Hirit pa niya, "Pag nag-special payout tayo...at di pa rin sila pumunta, then alam natin these are either inactive drivers, baka namatay na, baja nasa abroad na."

Sa pagpapatuloy ng bigayan ng ayuda para sa mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon, ipinagmalakai naman ni Gatchalian na wala raw silang naitalang dumobleng mabigyan ng ayuda.

"The best of our abilities... wala kaming alam na duplicate kasi dalawa ang nagsusuri," paliwanag ni Gatchalian.

Nanawagan din siya sa publiko hinggil sa mga reklamo sa usapin ng pagtanggap ng ayuda, upang maaksyonan agad.

"We have a very aggressive grievance mechanism. I-report n'yo sa amin, hahabulin namin," saad niya.