“Pinapainom pa niya ako na ibang gamot. Sunod-sunod.”
Ito ang pahayag ng social media personality na si Kween Yasmin matapos niyang ianunsyo ang pag-negatibo ng kaniyang pregnancy test (PT) kahit na nauna na niyang ihayag ang tatlong linggong pagbubuntis kamakailan.
Saad ng “All-Purpose” Kween sa kaniyang Facebook post nito lamang Huwebes, Marso 26, bagama’t “positive” ang lumabas sa una niyang PT, ipinaliwanag niyang nag-”negative” raw ulit ito dahil sa umano’y stress at galit sa partner niyang si Elmer Declaro Villacura o “Troy Turoy.”
“Hindi Naman po prank. Nung una positive po. Pangalawa negative na po. Negative na po, sa kanya. Wala ng buntis. Sad nilaglag kasi nya yung baby namin. Tapos pinapainom pa nya Ako na ibang gamot. Sunod sunod. ,” ani Kween Yasmin.
Kaya may appointment daw siya bukas sa doktor upang tukuyin ang tunay na lagay ng sinapupunan, kasama pa raw niyang pupunta ang partner sa ospital.
“Magpa-ultrasound kami bukas ng 1:30pm sa fabella para ma make sure kung meron pa ba o Wala na talaga. Yes po mag check up po ko bukas Yung appointment namin with my BF Elmer Villacura A.k.A. Troy Tuyor ng 1:30pm bukas . Bukas ko pa po malalaman pagpunta namin. Kasi galing na kami dun kanina. Thanks so much fabella Dasmarinas Cavite,” pagtitiyak ni Kween Yasmin.
MAKI-BALITA: ‘Sa stress at galit?’ Kween Yasmin, negatibo ang PT matapos amining buntis!
Sa kabila ng mga biro, hindi naiwasang maalarma at mag-alala ng followers para kay Kween Yasmin.
“omg alarming na yan kween, punta ka na ng ob para sure.”
“Whatttttt? this isn’t funny.”
“iba na yan kween.. concerning ang mga pinapagawa sayo ni elmer villacura a.k.a troy tuyor.. please take care of yourself kween .”
“kween, seryoso ba? dapat hindi mo ininom masama po yon possible talaga malaglag si baby, hays bakit ganyan si troy tuyor?!”
“cry for help ba ito kween? sana okay ka laaaaang.”
Ayon pa sa haka-haka ng ilan, posible raw na ayaw ni Villacura magka-anak dahil mawawala na raw ang source of income nila dahil sa pagbubuntis ni Kween Yasmin.
Ipinaalala naman ng ilang netizens na ilegal ang abortion sa Pilipinas, kaya mariin nilang ipinapayo kay Kween Yasmin na hiwalayan na si Villacura dahil sa umano’y pagpapainom nito ng mga gamot sa kaniya habang nagbubuntis.
Matatandaang naunang kinumpirma ni Kween Yasmin na tatlong linggo na siyang buntis noong Miyerkules, Marso 25, matapos ang matagal niyang pagtanggi rito sa social media.
MAKI-BALITA: 'Wala pa po kong regla until now:' Kween Yasmin, kumpirmadong buntis!