April 15, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jake Cuenca, Rabiya Mateo naispatang magkasama?

Jake Cuenca, Rabiya Mateo naispatang magkasama?
Photo Courtesy: via Fashion Pulis, Serratia Marcescens (Reddit)

Usap-usapan ang lumulutang na larawan nina Kapamilya actor Jake Cuenca at Kapuso actress Rabiya Mateo na magkasama.

Sa post ng isang Reddit user kamakailan, ibinahagi niya ang dalawang larawan nina Jake at Rabiya na kuha umano sa Bonifacio Global City (BGC).

“Please don’t bash them, baka they want to be seen naman talaga na magkasama in BGC hehe PLEASE PLEASE NO BASHING! LET THEM ENJOY THINGS GOIZZZ,” saad sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Tinapos ni Jake ang 3 month rules, move on na talaga siya."

Tsika at Intriga

‘Parang mawawalan ng malay:’ Awra Briguela, itinakbo ang sarili sa ER!

"They look good together naman. Hilig niya ata beauty queen hehe"

"ayan balik beauty queen ka jake! Wag kase magpa totga totga ng mga naghihikahos na hubadera kasi ipagpapalit ka talaga nyan"

"An established actor plus actress-beauty queen-future doctor "

"better kesa sa ex na naunsyaming maging alta"

"mukang bagay naman sila"

"What an upgrade for Jake Cuenca"

"Swerte ni Jake kay Rabiya. Beauty and brains"

"Mahilig talaga sa BQ si Jake pero wala namang masama kc pareho naman silang single at walang ibang tao na masasaktan."

Matatandaang kapuwa hiwalay na ang dalawa sa mga dati nilang partner. Kinumpirma ni Jake ang hiwalayan nila ni Kapamilya actress-model Chie Filomeno noong Oktubre 2025.

Maki-Balita: ‘There was no breakup:’ Jake Cuenca, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Chie Filomeno

Samantala, kamakailan lang ay kinumpirma naman ni Kapuso actor Jeric Gonzales ang matagal nang suspetsa tungkol sa status ng relationship nila ni Rabiya.

Maki-Balita: Jeric Gonzales, Rabiya Mateo pinaglaban ang relasyon bago naghiwalay

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Jake at Rabiya para kumpirmahin o pabulaanan ang anomang namamagitan sa kanila.