March 18, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mikoy Morales, Isa Garcia ikinasal na!

Mikoy Morales, Isa Garcia ikinasal na!
Photo Courtesy: Sparkle GMA Artist Center

Ganap nang asawa ni Kapuso actor Mikoy Morales ang non-showbiz girlfriend niyang si Isa Garcia.

Ayon sa ulat ng GMA Entertainment, ginanap ang mismong kasal nitong Sabado, Marso 14, sa St. John Bosco Parish sa Makati City.

Nagsilbing Best Woman sa seremonya ng kasal ang best friend niyang si Mikee Quintos. Kabilang din sa mga dumalo sina Kapuso stars  Chariz Solomon, Juancho Triviño, Paolo Contis, Jeric Gonzales, Jake Vargas, at Inah De Belen. 

Gayundin si John Feir na nag-viral noong Enero dahil sa naipagkamali ang kasal nina Mikoy at Isa.

Maki-Balita: 'Na-Patrick siya in real life!' John Feir, 'umadvance' sa kasal ni Mikoy Morales

Relasyon at Hiwalayan

Jeric Gonzales, Rabiya Mateo pinaglaban ang relasyon bago naghiwalay

Sa isang Instagram post noong Nobyembre 2025, ibinahagi pa ni Mikoy ang naging pakulo niya kung paano niya niyaya ng kasal si Isah sa pamamagitan ng pekeng pelikula.

Maki-Balita: Mikoy Morales, gumawa ng pekeng pelikula para mag-propose sa jowa

 Matatandaang 2021 nang magsimula ang relasyon ng dalawa. Bago mag-isang-dibdib, nakapagpundar na sila ng lilipatang bahay.