Umani ng sari-saring reaksyon at pangungutya mula sa mga netizen sa social media ang pinakahuling missile testing ng North Korea na pinangasiwaan ng kanilang Pangulong si Kim Jong Un.
Batay sa ulat ng international media outlets, personal na pinanood ni Kim ang pagpapaputok ng mga strategic cruise missile mula sa bagong destroyer na Choe Hyon ng hukbong-dagat ng bansa.
Ayon sa state media ng North Korea, bahagi ito ng pagpapalakas ng kakayahang militar ng kanilang hukbo.
Iniulat din na tumama ang mga missile sa target na mga isla sa kanlurang bahagi ng naturang bansa. Isinagawa ang pagsubok kasabay ng patuloy na joint military drills ng United States at South Korea, na itinuturing ng Pyongyang na banta sa kanilang seguridad.
Gayunman, sa halip na takot ang maging reaksyon, maraming netizens sa social media ang dinogshow at ginawang meme ang missile test ng North Korea. Sa ilang online posts, tinawag pa ng ilan na tila “nagpapapansin” lamang ang bansa sa pandaigdigang komunidad.
“Nagpapapansin lang si Kim Jong Un. Parang naghahanap ng atensyon.”
“Missile test na naman? Wala bang ibang hobby?”
“Parang trailer lang ng action movie pero walang sequel.”
“Naghihintay na makasali sa giyera sa Middle East hahaha”
“Every year may pa-fireworks ang North Korea.”
“Nagfa-flex lang ng weapons pero walang nangyayari.”
“Parang practice lang sa video game.”
“Missile test again? Same script every time.”
“Attention seeker mode activated.”
“POV walang gustong makipaglaro sayo”
Ayon sa mga analyst, madalas gamitin ng North Korea ang ganitong mga military test upang ipakita ang kanilang nuclear deterrent capability at ipaalala sa mundo ang lakas ng kanilang sandatahang lakas.
Sa kabila nito, patuloy namang binabantayan ng mga bansa sa rehiyon ang mga ganitong hakbang dahil maaari itong magpalala ng tensyon sa East Asia.