Ipinag-utos ni Cebu Governor Pam Baricuatro ang pagkakasa ng “four-day workweek” at “energy saving measures” sa mga government offices sa lalawigan ng Cebu.
Ayon sa Executive Order (EO) No. 16, series of 2026 na nilagdaan ni Gov. Baricuatro nitong Lunes, Marso 9, layon nitong tulungan ang gobyerno na bawasan ang enerhiyang nagagamit ng mga opisina, at tanda ng pagsunod nila sa “responsible energy management practices.”
“Adopting a four-day work week or compressed work arrangement, coupled with responsible energy management practices, may help reduce government operating costs, improve employee productivity, and promote environmentally sustainable governance,” nasasaad sa nasabing order.
Gayumpaman, nilinaw nito na hindi titigil ang mga operasyon sa kabila ng nasabing “flexible work arrrangement.”
Samantala, isa rin sa mga lokal na pamahalaang nagkasa ng “four-day workweek” setup ay ang Manila local government unit (LGU).
MAKI-BALITA: Four-day workweek, kasado na sa Manila LGU!-Balita
Sa kaugnay na mga ulat, umarangkada rin sa mga pamahalaang lokal ng Naga City at Cagayan de Oro City ang “energy-saving measures” bunsod ng girian sa Middle East.
MAKI-BALITA: Mayor Leni, iniutos 'emergency fuel cuts' sa Naga bunsod ng US-Israel, Iran war-Balita
MAKI-BALITA: CDO mayor, ipinag-utos pagbawas ng pagkonsumo sa kuryente, petrolyo bunsod ng tensyon sa Middle East-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
Photo courtesy: Cebu Province/FB