Tila nalalapit nang maikasal ang Kapuso star na si Bea Alonzo sa negosyante at bilyonaryong fiance niyang si Vincent Co.
Batay sa ulat ng Manila Bulletin nitong Lunes, Marso 9, inanunsiyo umano sa St. Peter the Apostle Parish sa Paco, Maynila noong Linggo, Marso 8 ang marriage banns ng dalawa.
Sa Pilipinas, ang marriage banns ay itinuturing na abiso sa publiko tungkol sa paparating na kasal. Ipinapaskil ito nang tatlong magkasunod na linggo sa parokya ng bride at groom.
"Ferdinand Vincent Pe Co - Groom and Phylbert Angelli Escalante Ranollo - Bride," mababasa sa nasabing marriage banns.
Matatandaang Phylbert Angelli Escalante Ranollo ang tunay na pangalan ni Bea sa labas ng show business.
Samanatala, wala pa namang napapabalitang nag-propose na si Vincent kay Bea bagama’t naging usap-usapan noong Oktubre 2025 na buntis umano ang huli na agad naman nitong itinanggi.
“[F]or anyone curious about ‘the picture’ — just caught at a bad angle after an amazing dinner. Glowing, not expecting,” anang aktres.
Maki-Balita: 'Glowing, not expecting!' Bea Alonzo busog lang, hindi buntis!
Nagsimulang umugong noong Mayo 2025 ang bulung-bulungan na may namamagitan kina Vincent at Bea matapos silang maispatang magkasama sa Espanya.
Kaugnay na Balita: Bea Alonzo, businessman na si Vincent Co, nagde-date?
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag ang dalawa tungkol sa napapabalitang kasal nila.