May 22, 2026

Home BALITA

UPI, umapela sa SC para maisapubliko totoong health condition ni PBBM

UPI, umapela sa SC para maisapubliko totoong health condition ni PBBM
Photo Courtesy: Ralph Mendoza/BALITA, via MB

Naghain ng Urgent Petition for Mandamus ang United People’s Initiative (UPI) sa Korte Suprema kaugnay sa pagsasapubliko ng tunay na kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa isinagawang press conference ng grupo sa National Press Club nitong Martes, Abril 14, sinabi ni UPI Secretary General Capt. Rey Valeros, Jr., na hindi umano sapat ang pagpapakitang gilas ni Marcos, Jr. bilang patunay na nasa mabuti ang kalusugan nito.

Aniya, “Masaya tayo at ang Pangulo ay malakas. Masaya po tayo niyan. Pero hindi po sapat iyon. Ang gustong malaman ng karamihan…ma-disclose ‘yong talagang kaniyang state ng kalusugan.” 

“At manggagaling po ito sa kaniyang doktor. At puwede po na ang Korte Suprema ang humingi na ilabas na ito once and for all. Para matigil na lahat ng maling comments na nakikita ng administrasyon,” dugtong pa ni Valeros, Jr.

Matatandaang pinakita ni Marcos, Jr. noong Lunes, Abril 13, na kaya pa rin niyang mag-jumping jack sa kabila ng mga intriga sa kaniyang kalusugan.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Nangyari ito bago niya ianunsiyo ang pagsuspinde ng excise tax para sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosone.

Batay sa inilabas na video ng ABS-CBN News, mapapanood na nakapag-jumping jack pa siya nang ilang ulit. Hinamon pa nga niya ang mga nagsasabing may sakit siya.

Maki-Balita: PBBM napa-jumping jack, hinamon mga bumabatikos sa kalusugan niya!

Batay sa prayer ng isinumiteng dokumento ng UPI noong Biyernes, Abril 10, hinihiling nilang ilabas ang totoong estado ng pisikal at mental na kalusugan ng Pangulo alinsunod sa Section 12 ng Article VII ng 1987 Konstitusyon.

Ito ay kahit pinabulaanan na ng Malacañang noong Abril 6 ang kumalat na haka-haka na may stage 4 cancer umano ang Pangulo.

Maki-Balita: ‘Maayos po siya!’ Palasyo, pinasinungalingan isyung may sakit si PBBM-Balita

Bukod dito, inuutusan din ng UPI si Marcos, Jr. na sumailalim sa hair follicle drug test at isapubliko ang resulta nito.