May 22, 2026

Home BALITA National

Matapos suspindihin excise tax sa LPG, kerosene: Expected losses, tinatayang aabot sa ₱4.1 bilyon

Matapos suspindihin excise tax sa LPG, kerosene: Expected losses, tinatayang aabot sa ₱4.1 bilyon
Photo courtesy: RTVM/YT, MB


Isiniwalat ni Department of Finance (DOF) Undersecretary Karlo Fermin Adriano na posible umanong pumalo sa ₱4.1 bilyon ang expected losses ng gobyerno sa pagsuspinde ng excise tax para sa liquified petroleum gas (LPG) at kerosene.

Sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Abril 14, sinabi ni Adriano na ang kalkulasyong ito ay nakabase sa tatlong buwang suspensyon ng excise tax para sa mga nabanggit na produkto.

“For LPG and kerosene, if you take a look at the law, it’s a maximum of three months muna—so let’s talk about three months,” panimula ni Adriano.

Aniya, “In assuming 100 USD price per barrel on average, so for full suspension of LPG and kerosene, the losses will be around ₱4.1 billion for three months.”

Nagbigay din ng numero ang finance undersecretary kung sakaling isuspinde rin ang excise tax para naman sa mga produktong diesel at gasoline. 

“Now, if you decide to include a suspension of diesel and gasoline, and LPG and kerosene on top, it will be around ₱43.6 billion pesos losses in three months,” anang DOF usec.

“For now, the LPG and kerosene kinombine namin kasi ‘yon naman ‘yong recommendation at ‘yon ang inaprubahan,” dagdag pa niya.

Natanong din si Adriano hinggil sa mga programang posibleng mawalan ng budget kung sakaling mangyari nga ang higit ₱4 bilyong reduksyon sa pondo bunsod ng suspensyon ng excise tax sa LPG at kerosene.

“Wala pa naman pong napag-uusapan kung ano ‘yong mawawalan ng pondo at we will defer po sa DBM kung ano po ‘yong magiging priorities if mayroon po talagang losses na  ₱4.1 bilyon,” aniya.

Matatandaang noong Lunes, Abril 13, kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang suspensyon ng excise tax para sa LPG at kerosene gamit ang kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng batas.

“Sa ilalim ng kapangyarihan na ibinigay sa akin ng batas, tinanggal ko na ang excise tax sa LPG at sa kerosene,” saad ni PBBM sa isang press briefing.

MAKI-BALITA: Excise tax sa LPG at kerosene, sinuspinde na ni PBBM!-Balita