Sumakabilang-buhay na si dating Department of Health (DOH) Sec. Alfredo Bengzon sa edad na 90.
Sa latest Facebook post ng DOH nitong Martes, Marso 3, naghayag ng pagdadalamhati ang DOH sa pagpanaw ni Bengzon.
“The Department of Health (DOH) mourns the passing of the former Secretary of Health, Dr. Alfredo Rafael Antonio Bengzon,” anang ahensya.
Bukod dito, binigyang-pugay din nila ang legasiyang iiwan ng dating kalihim sa sektor ng kalusugan.
Anila, “A compassionate physician and a visionary leader, Sec. Bengzon devoted his life to making healthcare more accessible and affordable for every Filipino.”
"His legacy will continue to shape Philippine healthcare for generations to come. Rest in peace, Sec. Bengzon. Maraming salamat sa iyong buhay na inialay para sa kalusugan ng bayan," dugtong pa ng DOH.
Matatandaang nagsilbi si Bengzon sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino mula 1986 hanggang 1992.
Kabilang sa mga naging ambag niya ay ang pagtataguyod sa Generic Drugs Law na nakatulong para maibaba ang presyo ng mga gamot.
Kaya naman hindi nakapagtatakang ginawaran siya ng Ramon Magsaysay Award for Government Service noong 1991.
Samantala, wala pa namang nilalabas na detalye ang pamilya at mahal sa buhay ni Bengzon kaugnay sa magiging funeral arrangement ng mga labi nito.