February 21, 2026

Home SHOWBIZ

Marco Masa, Carmelle Collado last evictees sa Bahay ni Kuya

Marco Masa, Carmelle Collado last evictees sa Bahay ni Kuya
Photo Courtesy: Marco Masa, Carmelle Collado (IG)

Nagpaalam na bilang housemates sina Kapamilya actress Carmelle Collado at Kapuso actor Marco Masa sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sina Carmelle at Marco ang huling housemate evictees ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.”

Sa latest episode ng nasabing programa nitong Sabado, Pebrero 21, nakakuha ang dalawang housemate ng pinakamababang boto.

Nakakuha ng 21.47% at 24.73% na boto sina Marco at Carmelle.

Dingdong Dantes, pinatawad na supporter ni VP Sara Duterte

Matatandaang minsan nang umexit si Marco sa loob ng Bahay ni Kuya ngunit nagawang makabalik matapos manalo sa wildcard round.

Maki-Balita: Eliza, Marco out na sa Bahay ni Kuya!

Sa kasalukuyan, walong housemates na lang ang natitira sa edisyong ito ng PBB.

Binubuo ito nina Heath Jornales, Miguel Vergara, Princess Aliyah, Joaquin Arce, Caprice Cayetano, Lella Ford, Krystal Mejes, at Ashley Sarmiento.

Nakatakdang mangyari ang “Big Night” sa darating na Pebrero 28.