Isiniwalat ng anak ni SexBomb Girls member Izzy Trazona na si Sofira Trazona ang ginawang pananakal umano sa kaniya ng stepfather niyang si Alvin Aragon.
Sa isang Facebook post ni Sofia noong Huwebes, Pebrero 19, mapapanood ang video message niya para kay Alvin kung saan niya idinetalye ang nangyari.
Ito ay matapos muling puntiryahin ng kaniyang stepfather ang kasarian niya matapos sumalang sa isang panibagong panayam.
“Lumayas yan [si Sofia] pumunta ng Quezon province, sa tatay nya. After 2 years, pagbalik niya nag-split, nagladlad na bading na bading na,” lahad ni Alvin.
Sey tuloy ni Sofia, “Honestly, pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung kailan matatapos ‘to. I even protected you sa isang interview. Hindi ko nga sinabing sinakal mo ako, ‘di ba?”
“‘[Y]on talaga ang totoong nangyari. I even choked for how many seconds bago mo tinigil ‘yong sakal na ‘yon,” dugtong pa niya.
Ayon kay Sofia, hindi raw niya pinersonal ang ginawa ni Alvin sa kaniya sa pag-aakalang normal na bahagi ito ng pagdidisiplina sa isang batang gaya niya.
“Pero habang lumalaki ako, mali pala talaga ‘yon,” aniya pa.
Matatandaang nauna nang ibinahagi ni Sofia ang tungkol sa pananakit sa kaniya ni Alvin sa isang episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan.
Maki-Balita: Sofia Trazona, windang matapos mapagbuhatan ng kamay ni Alvin Aragon