February 20, 2026

Home BALITA

Hacker na nag-book sa biniktimang luxury hotel, tiklo!

Hacker na nag-book sa biniktimang luxury hotel, tiklo!

Inaresto ng pulisya ang isang 20-anyos na lalaki na umano’y nag-hack ng isang hotel booking website upang makapagpareserba ng mga luxury room sa halagang halos isang sentimo lamang.

Pinaniniwalaang minanipula ng suspek ang payment system ng site sa pamamagitan ng pagbabago sa validation process ng isang electronic payment platform upang magmukhang bayad nang buo ang mga booking.

Gayunman, isang sentimo lamang ang aktuwal na nababawas sa halip na hanggang 1,000 euro kada gabi na halaga ng kuwarto.

"This cyberattack was specifically designed to alter the payment validation system, and this is the first time we have detected a crime using this method," ayon sa Spain National Police.

National

Palasyo sa umano’y FPRRD kidnapping: 'Purpose nito'y ibagsak ang imahe ng Pangulo!'

Ayon sa pulisya, ang lalaki na isang Spanish national ay kumonsumo rin ng mga laman ng minibar sa kaniyang pananatili at paminsan-minsang hindi nagbabayad ng ilan pang bayarin.

Nang masakote ng pulisya, napag-alamang nananatili siya sa isang luxury hotel sa Madrid na may apat na gabing reservation na nagkakahalaga ng 4,000 euro.

Ilang ulit na rin umano siyang nag-check in sa naturang hotel na nagdulot ng pagkalugi na higit sa 20,000 euro, ayon sa mga awtoridad.

Nagsimula ang imbestigasyon matapos mag-ulat ang isang online booking website ng kahina-hinalang aktibidad nitong Pebrero.

Sa una ay lumabas na maayos ang mga transaksyon, ngunit natuklasan lamang ang iregularidad makalipas ang ilang araw nang ilipat ng payment platform ang aktuwal na halagang binayaran sa apektadong kumpanya.