Pormal na inanunsyo ni Vice President Sara Duterte ang opisyal niyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa paparating na Halalan 2028.
Ayon sa isinagawang press briefing ni VP Sara sa Mandaluyong City nitong Miyerkules, Pebrero 18, 2026, sinabi niyang ilalaan daw niya ang kaniyang buhay, lakas, at “future” o hinaharap para magserbisyo sa bansa sa halip na lumuhod at humingi ng kapatawaran dahil sa pagtulong umano niya noon na mahalal sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“I cannot kneel before each and every Filipino to beg for forgiveness,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Instead, I offer my life, my strength, and my future in the service of our nation.”
Nagawa pang hikayatin ni VP Sara ang taumbayan na ibalik umano ang malasakit para sa Diyos, bayan, at bawat Pilipino.
“Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malasakit para sa Diyos, sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino,” aniya.
Matapos, porma na inanunsyo ni VP Sara ang plano niyang pagtakbo nilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na 2028.
“Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas,” pagtatapos pa niya.
Samantala, hindi naman na tumanggap pa ng mga katanungan si VP Sara mula sa mga media.
Mc Vincent Mirabuna/Balita