February 15, 2026

Home BALITA

Tio Moreno, nagpasaring kay Nicolas Torre III

Tio Moreno, nagpasaring kay Nicolas Torre III
Photo Courtesy: Tio Moreno (FB), via MB

Bumwelta ang social media personality na si Tio Moreno kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas Torre III matapos siya nitong “basagin.”

Matatandaang pinatulan ni Torre si Moreno dahil sa sinabi nitong “national laughing stock” umano siya. 

Maki-Balita: Torre, pumalag sa bansag bilang 'national laughing stock'

Kaugnay ito sa naunsiyaming boxing match nila ni Acting Davao City Mayor Baste Duterte noong Hulyo 2025.

Probinsya

Mga isdang kabilang sa ‘regulated and threatened species,’ nasabat sa Palawan

Sa isang Facebook post ni Moreno noong Sabado, Pebrero 14, ibinahagi niya ang video ni Torre kung saan mapapanood ang pagsinga nito sa publiko.

“May something ba raw ako? Tanong ni Nicolas Torre III. Ito po ang may something,” saad ni Moreno sa caption.

Nag-ugat ang sagutan ng dalawa matapos magbigay si Torre ng reaksiyon sa patutsada ni Moreno kay Megastar Sharon Cuneta na nagbiro kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. tungkol sa tamang pagpili ng Bise Presidente.

Aniya, "Sharon Cuneta, stop talking about 'tamang choice' kung nakadalawang marriage ka na. Dali aligaga ka."

"May something ba sa kanya? O ganito lang talaga sila mag-isip? Si idol nila, naka ilang asawa nga ba uli?" sabi naman ng MMDA General Manager, na si Moreno ang pinatutungkulan.

Kaugnay na Balita: 'Napangiti lamang:' Palasyo, sinabing 'no comment' si PBBM sa 'biro' ni Shawie