February 14, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Lassy Marquez, isinapubliko na ang manliligaw

Lassy Marquez, isinapubliko na ang manliligaw
Photo Courtesy: Screenshots from Chad Kinis (FB)

Ipinakilala na ni “It’s Showtime” host Lassy Marquez sa publiko ang manliligaw niyang si “Ken” nang sumalang siya sa online show ng kaibigan niya si Chad Kinis.

Sa latest episode ng “Chad Kinis Show” kamakailan, nahagip sa usapan ng dalawa ang tungkol sa kasalukuyang nagpapakilig sa puso niya. 

“Nararamdaman ko naman [na mahal niya ako]. Alam mo ‘yong pumapasok na,” lahad ni Lassy. 

Matapos ito, bumungad na sa kaniya ang manliligaw na may dala-dalang bouquet, dahilan para mapa-”Oh my God” siya at kiligin.

Relasyon at Hiwalayan

Napa-yes ulit! Jaya, muling pakakasalan ng asawa sa kanilang 20th wedding anniversary

Hindi naman naiwasang tanungin ni Chad si Ken para tiyakin kung totoo ba ang intensyon nito sa kaniyang kaibigan.

“Kaya mo bang mahalin si Lassy?” usisa niya.

Sagot naman ni Ken, “Opo, kaya nga po ako nandito.” 

Dahil dito, napuno ng sigawan at tilian ang buong studio.

Sa ngayon, hinihintay na lang umano ni Ken na sagutin siya ni Lassy. Pinasalamatan naman ng huli ang kaniyang manliligaw dahil dahil sa pagiging mabuti nito sa kaniya.

Inirerekomendang balita