February 12, 2026

Home BALITA National

'Stop talking about me!' Padilla, dumepensa sa sinabing 'weak' ang kabataan

'Stop talking about me!' Padilla, dumepensa sa sinabing 'weak' ang kabataan
Photo courtesy: Senate of the Philippines (FB)

Dinipensahan ni Sen. Robin Padilla ang tungkol sa naging pahayag niya na tila “weak” o mahina umano ang mga kabataan sa kasalukuyan. 

Matatandaang kasing binengga ni Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media noong Miyerkules, Pebrero 11, 2026, ang kasalukuyang henerasyon ng mga bata dahil sa pagiging mahina umano ng mga ito.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin sa mga bata ngayon: ‘You are weak!’

Ayon kay Padilla, sa Facebook post niya noon ding Miyerkules, sinabi niyang mandato niya ang maging totoo at hindi maging “plastic” sa pagsasabi ng totoo sa taumbayan. 

National

‘Despite shaming from pro-China politicians!’ Archbishop Villegas, pinuri tapang ni Tarriela

“Ako ang chairman ng Public information at mass media, [m]andato ko ang maging totoo sa [taumbayan] at [h’wag] maging plastic o mapagkunwari sa mga sinasabi ko dahil [‘yon[ ang katotohanan,” pagsisimula niya. 

Depensa ni Padilla, hindi raw bunga lang ng opinyon ang pagsasabi niyang mahina ang kabataan kundi nakabase umano ito sa datos ng pagpapatiwakal sa bansa na kanilang pinag-aralan. 

“Ang nagsasabing mahina o weak ang kabataan ngayon ay ang mga datos ng suicide o pagpapatiwakal na aming pinag-aralan sa aming opisina [at] hindi bunga lang ng aming mungkahi o opinyon,” paglilinaw niya. 

Ani Padilla, may pag-aaral din daw ang World Health Organization (WHO) na nagpapatunay sa kanilang datos. 

Aniya, kritikal na alalahanin sa Pilipinas ang kaso o bilang ng mga nagpapatiwakal na mga kabataan dahil aabot sa limang kabataang may edad 15 hanggang 24 anyos ang nag-iisip umano na tapusin ang kanilang buhay. 

“Katunayan ay sa buong pag aaral din ng ibang mga progresibong bansa pati na ang World Health Organization ay nagpapatunay sa mga datos,” diin niya. 

Dagdag pa niya, “Ang pagpapatiwakal ng mga kabataan ay isang kritikal na alalahanin sa Pilipinas, kung saan halos isa sa limang (mga 20%) kabataang Pilipino na may edad 15-24 ang nag-iisip na wakasan ang kanilang buhay, ayon sa isang survey noong 2021.” 

Pagpapatuloy ni Padilla, mas lalo pa raw tumaas ang porsyento nito noong 2021 kumpara noong 2013 at ayon na rin umano sa 46% na kabuuang bilang ng mga nagpakamatay noong 2010 ay mula sa mga kabataang may edad 10 hanggang 35 anyos. 

“Ang mga pagtatangkang magpakamatay sa mga kabataan ay tumaas sa 7.5% noong 2021 mula sa 3% noong 2013, isang 150% na pagtaas. Bukod pa rito, humigit-kumulang 46% ng kabuuang mga kaso ng pagpapakamatay na naitala mula noong 2010 ay mula sa mga kabataan (10-35 taong gulang),” saad niya. 

Dahil dito, nagawang manawagan ng senador na tigilan na raw ng publikong pag-usapan siya at umasta umano alinsunod na ipinapakita ng mga datos. 

“Kaya kung nais niyo makatulong sa isyu na ito ng mga kabataan. Do something about it and stop talking about me. Act on the data not act on my statement,” buwelta niya. 

“Harapın niyo ang nangyayari sa ating kabataan hindi ako. Matanda na ako,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Psychologist, inalmahan hanash ni Sen. Robin tungkol sa depression

MAKI-BALITA: Padilla sa mga umiismol sa kanila ni Go: ‘Di siguro kami gagawing number 1 kung wala kaming nagawa!

Mc Vincent Mirabuna/Balita