February 07, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: ‘Gift ideas’ para sa memorable Valentine’s Day

ALAMIN: ‘Gift ideas’ para sa memorable Valentine’s Day
Photo courtesy: Pexels

Actions speak louder than words. 

Tuwing Valentine’s season, madalas makikitang naglipana sa daan ang mga flower bouquet at medium to life-sized teddy bears na bitbit ng mga mag-jowang HHWW (holding hands while walking), magkalingkis, magkaakbay, o kung ano pang mga PDA (public display of affection) na kaya nilang ipakita. 

Ngunit bukod sa “staple Valentine’s Day gifts,” may ilan pang regalo na puwedeng ibigay sa jowa, nililigawan, o kaya’y ka-MU (mutual understanding; malabong ugnayan) para sa mas memorable Valentine’s Day. 

Kaya narito ang ilan sa unique at quirky gift ideas para mas maipahayag ang pagmamahal ngayong buwan ng pag-ibig. 

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy romance films na swak i-binge watch kasama ang jowa sa Valentine’s Day

1. Anik-anik  (cute collectibles)

Para sa Gen Z couples na mahilig sa cute collectibles, swak ang mga anik-anik na puwede nilang i-display sa harap ng salamin nila sa kwarto, office desk, o kaya’y isabit sa bag. 

Kasama rin dito ang blind boxes para sa couples na gusto ng thrill at surprise sa pagtanggap ng regalo. 

Ilan sa mga nauusong anik-anik ay ang Smiski, Sonny Angel, bag charms, at beaded gadget charms. 

2. Disposable camera

Para sa couples na gusto i-document ang moments nila, perfect ang disposable camera para sa vintage at authentic feels na memorabilia sa mga date. 

Sa pamamagitan ng disposable camera, mas mapapatagal ang memories ng pagsasama, bukod sa pag-aarchive ng mga litrato sa social media highlights. 

Mahalagang tandaan na tinawag itong “disposable camera” dahil gawa ang katawan at lens nito ay gawa sa plastic at mayroong baterya at iba pang mga elektronikong parte sa loob na nakatutulong para gumana ito. 

Bagama’t idinisenyo para magamit sa ilang roll lamang ng pagkuha, may ilang brands ng disposable cameras sa malls na maaari pa rin magamit ulit o reusable. 

3. Alahas

Para sa classic at elegant feels, ang jewelry pieces tulad ng bracelet, kuwintas, at hikaw, ay maganda ring memorabilia ng pagsasama. 

Bukod pa rito, puwede rin itong bilhin ng pares o matchy, o kaya’y lagyan pa ng isang kakaibang feature tulad ng fingerprint o kaya’y litrato kung locket necklace ang maisipan na bilhin. 

4. Matching Memorabilia

Para sa couples na “matchy-matchy” ang peg, maaaring makonsidera ang ilang sweet memorabilias tulad ng kissing mugs, couple shirt o sweatshirts, matching wristwatch, o kaya’y “his/hers” towels. 

Ang gift idea na ito ay aesthetic display at functional na tiyak magagamit sa araw-araw. 

5. Photo album

Para sa mga gustong ipunin ang date at bonding photos nila sa old school na pamamaraan, perfect ang photo album dahil tiyak na hindi ito mabubura at katulad ng disposable camera gift idea, mayroon din itong authentic at classic vibe, na kadalasan ay sobrang na-appreciate ng marami. 

6. Comfort plushie

Ang nauusong “comfort plushie” ngayon ay nagsisilbing emotional support ng ilang adults bilang stress reliever, mas maayos na pagtulog, at sense of security. 

Kung ito ang bibilhing gift idea, mainam na paborito itong cartoon o anime character ng pagbibigyan o kaya’y heated pillow na maaari din magamit sa opisina. 

7. Letter box

Isa pa sa old school gift idea ay ang letter box, na compilation ng mga inipon na personal na liham para sa pagbibigyan. 

Partikular ito para sa creatives o introverts na expressive pagdating sa pagsulat. 

8. Self-care kit

Para sa mga stressed o kaya’y health conscious na pagbibigyan, ang self-care kit ay mainam para mag-break mula sa reyalidad at huminga muna o kaya’y para mas maalagaan ang sarili. 

Ang self-care kit ay personalized na maaaring maglaman ng face masks, moisturizer, lip balm, medyas, weighted blanket, o kaya’y mga paboritong kutkutin ng pagbibigyan. 

9. Gift cheque

Ang gift cheque ay isang classic gift idea para sa pagbibigyan na hilig ang shopping. 

Kaya para hindi na ito gumastos at para maging bonding time na rin, mainam ang gift cheque para personal na makapili ng kaniyang mga regalo sa sarili ang pagbibigyan. 

Tandaan rin na bukod sa shopping, ang gift cheque ay puwede rin sa mga spa o kaya’y recreation centers bilang parte na rin ng kanilang self-care.

10.  Chocolate flower bouquet

Bukod sa nakagawian na flower bouquet, ang chocolate flower bouquet ay para sa pagbibigyan na allergic sa mga bulaklak o gusto ng dessert. 

Alinman sa gift ideas ang nag-click, mahalagang tandaan na ang pagbibigay ay mas magiging makahulugan kung ito ay galing sa puso at ipinapakita ang pagmamahal o paghanga. 

Sean Antonio/BALITA