Kinumpirma mismo ng Filipino Broadway superstar at award-winning theater actress na si Lea Salonga na naghiwalay na raw sila ng dati niyang asawang si Robert Chien.
Ayon sa naging pagkukuwento ni Lea sa isinagawang media call ng Les Miserables: World Tour Spectacular sa Parañaque City noong Miyerkules, Enero 21, ibinahagi niyang sinusuportahan pa rin daw naman nila ni Robert ang kanilang anak kahit pareho silang abala sa kani-kanilang mga trabaho.
“We're both super busy, but thankfully, the dad and the dad's partner are the ones kapag may sipon ka, here I will send you food. Let's make sure that you are well,” saad niya.
Ani Lea, hindi naman daw nila isinisekretong medyo matagal na rin umano silang hiwalay ni Robert at masaya siyang masaya na ito.
“So it's not a secret. We have been separated for a while. And now he's happy. I am happy that he's happy,” paglilinaw niya.
Samantala, sa parehong panayam, nagawa ring magbigay ng paalala ni Lea para sa mga indibidwal na tila hindi matatanggap kung dumating sa puntong aminin ng kanilang anak sa kanila na lesbian, gay, transgender, at iba pa ang mga ito.
MAKI-BALITA: 'Don't have children!' Lea Salonga, pinaalalahanan mga 'di matatanggap LGBTQIA+ kanilang anak
Ayon kay Lea, tanging tungkulin ng mga magulang na mahalin ang mga anak nila nang walang anomang kondisyon.
Diniin pa niyang huwag na raw piliing magkaanak ng ilang mga indibidwal kung sa tingin nila, hindi nila matatanggap na lesbian, gay, transgender at iba pa ang kanilang magiging anak.
“To those who do not have kids, if you think, you will not be able to love your child if they come out to you and say, ‘Mom, I am gay,’ ‘Mom, I’m lesbian,’ ‘Mom, I’m bisexual,’ ‘Mom, I’m trans,’” diin niya.
“If under those conditions your love will stop, don’t have children,” pahabol pa niya.
Pagpapatuloy pa ni Lea, lagi’t lagi raw may tiyansang makuha ng isang tao ang mga bagay na hindi nila gusto dahil tila isang “blind box” daw ang mga bata.
“Every kid is a blind box. You don’t know what you’re gonna get, you don’t know if it’s gonna be the one you want. Because chances are, it’s gonna be the one you don’t want but that’s what you get,” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: 'Don't have children!' Lea Salonga, pinaalalahanan mga 'di matatanggap LGBTQIA+ kanilang anak
Mc Vincent Mirabuna/Balita