January 22, 2026

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Sakit na ‘Diverticulitis’ ni PBBM, life-threatening nga ba?

ALAMIN: Sakit na ‘Diverticulitis’ ni PBBM, life-threatening nga ba?
Photo courtesy: Photo courtesy: Presidential Communications Office (FB), Freepik

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong hapon ng Huwebes, Enero 22, ang pagbuti ng kaniyang kalagayan mula sa sakit na “Diverticulitis” matapos siyang sumailalim sa isang medical observation kamakailan dahil sa “discomfort” na naranasan niya mula rito. 

Nang kumustahin, binanggit ni PBBM na mas mabuti na ang kalagayan niya kumpara noong mga nakaraang araw, ipinaliwanag rin niya na ang diagnosis niyang ito ay karaniwan na raw sa mga taong nakararanas ng mabigat na stress o kaya’y sa mga may edad na.

“I’m fine. What happened was now I have ‘Diverticulitis.’ It’s a common complaint amongst, apparently, people who are heavily stressed and people who are, I have to admit, growing old,” ani PBBM.

MAKI-BALITA: ‘Wag muna kayo masyadong excited!’ PBBM binunyag ang sakit, hindi raw life threatening

Trending

#BalitaExclusives: Bagong silang na sanggol inabandona, natagpuan sa loob ng cardboard box sa gilid ng kalsada

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, sumailalim sa medical observation dahil sa discomfort!—Palasyo

Dahil dito, ano nga ba ang sakit na “Diverticulitis?” 

Ayon sa HealthLink BC, ang Diverticulitis ay isang kondisyon kung saan ang pouches o diverticula ay nabubuo at nagdudulot ng pamamaga o impeksyon sa colon o malaking bituka. 

Ang pamamaga o impeksyon na ito ay nagdudulot ng pananakit ng tiyan. 

Habang hindi pa natutukoy ng mga eksperto kung ano ang dulot ng diverticulitis,  may mga bacteria na nakikitang naninirahan sa diverticula, na nagiging dulot ng impeksyon. 

Ayon pa sa pag-aaral na ito, ang diverticula ay nabubuo tuwing may high pressure sa loob ng colon, na tumutulak sa mahihinang bahagi ng colon wall. 

Base naman sa pag-aaral ng Medical News Today, posible rin na nakakadagdag sa panganib ng Diverticulitis ang mga sumusunod: 

- Mga pagkain ng red meat at mababang fiber-content diet

- Obesity

- Paninigarilyo

- Hindi pag-eehersisyo

- Pag-inom ng mga medisina tulad ng steroids at nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs)

Sa pag-aaral din na ito, ang mga sumusunod ang mga kadalasang sintomas ng Diverticulitis: 

- Pananakit ng tiyan, partikular sa kaliwang bahagi nito

- Diarrhea o constipation

- Lagnat

- Chills

- Nausea o pagkahilo at pagsusuka

Ayon naman sa National Health Service (NHS), ang Diverticulitis ay posible ring magdulot ng rectal bleeding o mucus. 

Base sa Harvard Health Publishing, ang Diverticulitis ay kadalasan namang gumagaling sa katagalan, ngunit kung may sobra nang pamamaga sa bituka, kadalasang nagrereseta ng antibiotic ang doktor para maibsan ito. 

Kasama rin sa gamot dito ay ang clear liquid diet at pain-reliever na galing sa doktor. 

Para naman daw sa mga may severe Diverticulitis, inaabiso na magpahinga sa ospital para maiging maobserba at mabigyan ng antibiotics na diretso sa ugat, at kung kinakailangan ay maoperahan para matanggal ang impeksyon sa bituka. 

Kaya mensahe ni PBBM sa mga Pinoy, partikular sa mga umano’y gusto na siyang mawala sa puwesto, “Wag muna kayo masyadong excited. This is not a life-threatening condition. Wag kayong mag-alala. The rumors of my death are highly exaggerated.” 

MAKI-BALITA: ‘Wag muna kayo masyadong excited!’ PBBM binunyag ang sakit, hindi raw life threatening

Sean Antonio/BALITA