Ipinagwagwagan na nga ng anak nina Pambansang Kamao at dating senador na si Manny Pacquiao at misis na si Jinkee Pacquiao, na si General Santos City councilor Michael Pacquiao, ang kaniyang ilong sa social media.
Matatandaang kamakailan lamang, pinagpiyestahan ng mga netizen ang napansin nilang pagbabago sa hitsura ni Michael habang nasa isang gathering sila ng mga magulang, batay naman sa video na ibinahagi sa Facebook post ng isang nagngangalang Jamel Avila.
Sa comment section ng post, mababasa naman ang mga tanong at komento sa kaniya ng netizens kung nagparetoke ba siya ng ilong.
Kaugnay na Balita: Lalong pumogi? Michael Pacquiao, inintrigang nagparetoke ng ilong
Noong Sabado, Enero 17, ibinida ni Michael sa kaniyang social media platform ang larawan niya habang bahagyang naka-side view.
Dito, kitang-kita na nga ang bahagyang pagbabago sa kaniyang ilong, sa bandang itaas.
Madali itong maikukumpara batay na rin sa mga naunang old photos ni Michael na naka-post sa social media accounts niya.
Marami naman ang pumuri sa transformation at pagpapa-improve sa sarili ni Michael, na tila nagmukha na raw Latino.
Nagamit na nga sa kaniya ang naging trend na salita sa social media na "sobrang Latina," pero ginawang Latino dahil nga lalaki siya.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Bagay sayo, Michael. Go what makes you happy! We believe your heart — kind and loving! Congrats congrats."
"You choose your happiness and boosted your confidence and thats ok. Huwag padadala sa mga sinasabi ng iba. Always do what makes you happy. Your new look suits you."
"Bagay at lalong gumwapo Happy for you."
"Bumagay naman sa kaniya."
Samantala, hindi naman idinetalye ni Michael kung saang clinic siya nagpaayos ng ilong.