January 23, 2026

Home BALITA

Lacson, aminadong napikon noon kay Bonoan!

Lacson, aminadong napikon noon kay Bonoan!
Photo Courtesy: Screenshots from Senate of the Philippines (YT)

Hindi nakapagtimpi si Senate President Pro Tempore Ping Lacson na ihayag ang pagkapikon niya noon kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Enero 19, sinabi ni Lacson na napikon umano siya kay Bonoan matapos nitong sabihing mali umano ang kanilang grid coordinates sa flood control projects.

“Bakit kayo nakapagsalita noon na mali ‘yong grid coordinates namin, when in fact we didn’t rely on the Sumbong ng Pangulo grid coordinates? We relied on the DPWH grid coordinates and people on the ground,” saad ni Lacson.

“Kaya we were one hundred percent sure na ‘yong sinabi ko sa aking privilege speech na ghost project sa Sitio Dike was really a ghost project,” pagpapatuloy niya.

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Dagdag pa ng senador, “Alam n’yo, Mr. Secretary, i-disclose ko lang, noon ako unang napikon sa inyo. Because you are undermining the work done by my staff.”

Humingi naman ng despensa si Bonoan sa kaniyang nasabi laban kay Lacson.

Aniya, “I’m sorry, but there’s probably a misunderstanding a little bit on that. I only knew about the differences between the grid coordinates when we submitted actually the list of projects sa Office of the President.”

Nauna nang isiniwalat ni Lacson noong Enero 14 ang tila tangkang pagtatakip ni Bonoan sa eskandalo ng DPWH dahil sa umano’y mali-maling grid coordinates na isinumite nito sa Palasyo.

Kinumpirma ito mismo ng ngayo’y DPWH Sec. na si Vince Dizon.

Matatandaang kabilang si Bonoan sa mga opisyal na pinakakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa pagkakasangkot niya sa maanomalyang flood control projects.