January 20, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hirit ni Korina: Baka may clamor sa Ping-Imee tandem!

Hirit ni Korina: Baka may clamor sa Ping-Imee tandem!
Photo courtesy: via MB

Usap-usapan ng mga netizen ang palitan ng hirit nina Pinky Webb, Willard Cheng, at Korina Sanchez-Roxas sa kanilang news program, kaugnay sa namumuong alitan sa pagitan nina Senate President Pro Tempore Ping Lacson at Sen. Imee Marcos, tungkol sa umano'y "allocable" pork barrel ng senadora, hanggang sa magsanga na sa iba't ibang isyu, pati sa personalan. 

Natanong ni Pinky si Korina kung "Team Ping" o "Team Imee" ba siya, bagay na sinagot naman ng beteranang broadcast journalist na "Ay, for the winner siyempre! Everybody loves a winner!"

Tinanong naman ni Pinky si Korina kung sino sa palagay niya ang panalo sa hiritan ng dalawa.

Banggit naman ni Korina, sa huling hirit ni Sen. Ping, wala raw karapatan si Sen. Imee na magbiro dahil siya mismo ay may pork barrel.

Tsika at Intriga

Ganti yarn? Enrique Gil 'di nagpatalo, inunfollow rin si Liza Soberano

"Oo, wala kang moral ascendency," sundot naman ni Pinky.

"Something like that," giit pa ni Korina. "That's very important, 'di ba? Para credible ka, kailangan wala... kung meron kang muta, huwag mong titingnan yung muta ng ano mo, ng katabi mo."

Para naman kay Willard, doon daw siya sa "never" tumanggap ng pork barrel, at ito raw ay si Sen. Ping, kaya masasabing "Team Ping" daw siya.

"Dahil do'n, credible na siya 'di ba," saad pa ni Willard.

"Nakalimutan yata ni Sen. Imee 'yon," sundot naman ni Korina. "Kasi when you get into the ring, you have to be sure that you are not... everything covered."

"Oo, pero binalikan naman niya," saad naman ni Pinky. "Doon sa pagiging political butterfly. Yun ang lumalabas na pinariringgan niya si [Sen. Ping]."

"Explain political butterfly dahil nag-iba rin naman ng partido si [Sen.] Imee, iniwanan nga niya yung kapatid niya," sagot naman ni Korina.

"So Team Ping ka rin?" tanong ni Pinky kay Korina.

"No, I'm not saying that dahil ano, friend ko naman silang lahat, pero matindi yung hawak na alas ni Senator Ping," paliwanag ni Korina.

Maya-maya, sinabi ni Korina na kapag laging tinatanong si Sen. Ping kung tatakbong presidente, lagi raw nitong sinasabi na "No, I'm old or something."

Naalala naman ni Pinky ang pagtakbo ni Lacson bilang senador na ikinapanalo naman niya.

"Malay mo, there would be a clamor, maybe Ping as President and Imee for VP. Tapos ang usapan," anang Korina.

"PiNiMee" sundot naman ni Pinky sa posibleng pangalan ng tandem nila.

"Oh hayan ha, naisip na namin 'yan para sa inyo," sundot na biro ni Pinky.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Lacson at Marcos tungkol dito.

Kaugnay na Balita: Sen. Imee, sinupalpal si Sen. Ping: 'Di ko kailangan ng isang oras para magsabi ng totoo!'