Isiniwalat ni Senador Sherwin Gatchalian na ilang beses niya raw tinatawagan si Senador Ronald "Bato" Dela Rosa ngunit "cannot be reached" daw ang cellphone nito.
Sa kaniyang panayam sa ANC Headstart nitong Huwebes, Enero 8, itinanong kay Gatchalian kung nasaan si Dela Rosa.
"Your question is good as mine," sey ni Gatchalian sa mamamahayag na si Karen Davila.
"Honestly, I tried to call him many, many times, cannot be reached 'yong phone. And I would ask the staff, mayroon kasi siyang chief of staff, mag-smile lang 'yong chief of staff niya sa akin," dagdag pa ng senador.
"His opinion matters to me. Hopefully, he'll come to the Senate this 2026."
Nito lang Enero 7, sinabi ni Senador Imee Marcos na patuloy pa ring ginagampanan ni Dela Rosa ang kaniyang tungkulin sa kabila ng halos dalawang buwang hindi pagdalo nito sa mga sesyon ng Senado.
Maki-Balita: 'Nakakapirma pa rin eh!' Sen. Imee, ipinagtanggol pagiging 'MIA' ni Sen. Bato
Kung babalikan, matatandaang si Dela Rosa ay nagsimulang lumiban sa mga sesyon sa Senado noong Nobyembre 11 nang sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla na may warrant of arrest na raw ang International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.
Maki-Balita: Ombudsman Remulla sa ICC warrant of arrest kay Sen. Bato: 'Abangan. Be patient'
Gayunman, hindi ito pinatotohanan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Samantala, nilinaw ng abogado ni Dela Rosa na si Atty. Israelito Torreon na dapat daw munang klaruhin ang procedure ng gobyerno ng Pilipinas sa nagbabadya umanong warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa senador bago ito magpakita sa publiko.
Maki-Balita: Sen. Bato, 'di lalabas hangga't walang malinaw na procedure sa arrest warrant ng ICC