December 21, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Nadine Lustre, niloko ng dating karelasyon

Nadine Lustre, niloko ng dating karelasyon

Kinumpirma ni award-winning actress at “Call Me Mother” Star Nadine Lustre na pinagtaksilan na umano siya. 

Sa latest episode kasi ng talk show na “The B Side” noong Sabado, Disyembre 20, sumalang si Nadine sa “The Burning Questions.” 

“Willing ka ba ulit makasama sa isang proyekto ang isang ex?” usisa ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe.

Sagot ni Nadine, “No.”

Relasyon at Hiwalayan

Damay pati circle of friends? Rhian Ramos, Sam Verzosa hiwalay na raw talaga dahil sa unfollowan!

“Have you ever been cheated on?” sundot ni MJ.

Tugon ni Nadine, “Yes.”

Samantala, hindi na tinukoy pa ng aktres kung sino ang taong nanloko umano sa kaniya.

Pero matatandaang bago pa man maging karelasyon ngayon ni Nadine si Christophe Bariou, halos pitong taon niyang naging ka-loveteam at real life partner si James Reid. 

Inanunsiyo nila ang kanilang breakup noong 2020.

Matapos ito, umugong ang espekulasyon na third party umano ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa lalo na noong pumasok si Issa Pressman sa buhay ni James.

Maki-Balita: ‘Ungkatan ng past?’ James Reid, pinalagan netizens na binabalik nakaraan nila ni Nadine Lustre

Ngunit kinlaro ni Issa sa isang panayam noong Nobyembre na hiningi umano niya ang basbas ni Nadine bago nila napagpasyahan ni James na isapubliko ang kanilang relasyon.

“From then, everything’s clear, everything’s good, let’s go out in public, and so we did. We went to a Harry Styles concert because it was so casual, nothing to hide. Suddenly, all the bashing came again,” saad ni Issa.

Maki-Balita: Issa Pressman, James Reid mas tumatatag 'pag lalong tinitibag