December 21, 2025

Home BALITA

Banat ni Roque, 'Bakit maraming aksidente sa mga engineer ng DPWH?'

Banat ni Roque, 'Bakit maraming aksidente sa mga engineer ng DPWH?'
Photo courtesy: via MB

Iginiit ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na hindi raw unang beses na may namatay na inhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinalabas na aksidente lamang.

Sa kaniyang Facebook video nitong Linggo, Disyembre 21, 2025, inisa-isa niya ang ilang pagkamatay umano ng dalawang inhinyero bukod sa kontrobersiyal na pagpanaw ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.

“Mayroon na pong inhinyero sa Ilocos. Nagtataka ba kayo kung bakit napatay? Aba'y itong inhinyero na 'to, pinalabas din na aksidente daw. Pangalawa na ;to na aksidente daw, pero hindi naman kapani-paniwala ang mga circumstances para sabihin na aksidente talaga ang mga pangyayari,” ani Roqoue.

Saad pa niya, “At mayroon pang isa na magsisiwalat sana ng katotohanan sa Sorsogon, patay din, aksidente rin.”

National

Principled partner sa Quad Comm: Benny Abante, nagbigay-pugay kay Romeo Acop

Pahaging pa niya, “Bakit kaya, ang daming mga aksidente ngayon sa mga engineers na nagtatrabaho sa DPWH, ngayon ang taumbayan ay galit na galit sa korapsyon.”

Matatandaang bandang 8:00 ng gabi noong Huwebes, Disyembre 18, natagpuang walang malay si Cabral sa naturang ilog na matapos mahulog umano sa bangin na tinatayang nasa 20 hanggang 30 metro ang lalim—at kalauna’y idineklara ang kaniyang pagpanaw.

KAUGNAY NA BALITA:  Dating DPWH Usec. Cabral, pumanaw matapos mahulog umano sa bangin

Kabilang si Cabral sa listahan ng mga opisyal ng DPWH na pinakakasuhan bago matapos ang taon dahil sa pagkakasangkot umano nito sa maanomalyang flood control projects.

Maki-Balita: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon