Nahuli ng Manila Police District (MPD) ang pumapangalawa ngayon bilang most wanted sa kasong murder.
Ayon sa ibinahaging larawan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Disyembre 16, makikitang hawak na ng pulisya ang ikalawa na most wanted sa kasong murder na kinilalang si “Andrew.”
“Sa ating Yorme's Hour noong Biyernes, December 12 ay ipinrisinta po sa atin ng Manila Police District ang suspek na si "Andrew,’” mababasa sa caption ni Moreno.
Photo courtesy: Mayor Isko Moreno Domagoso
Dagdag pa niya, “Siya po ay Top 2 Most Wanted Person sa salang murder at bahagi ng grupo ng mga "gun-for-hire". Nahuli siya noong December 8 sa Tondo ng ating mga kapulisan.”
Samantala, nagawa ring magbabala ni Moreno sa mga “tolongges” sa Maynila na hindi raw titigil ang kapulisan para maaresto ang mga ito.
“Sa mga tolongges diyan, talo inip kayo dito sa Maynila. Hindi titigil ang aming kapulisan makuha lamang kayo at maiharap kayo sa husgado,” aniya.
“Huwag na kayong gumawa ng masama dito, dahil panigurado ay mahuhuli din namin kayo,” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: 'Walang lusot!' Top notch most wanted sa NCR, natiklo ng MPD
Mc Vincent Mirabuna/Balita